Pinay sa Saudi, ibinahagi ang tagumpay kabila ng matinding pinagdadaanan bilang OFW

Pinay sa Saudi, ibinahagi ang tagumpay kabila ng matinding pinagdadaanan bilang OFW

- Ibinahagi ng isang Pinay overseas Filipino worker (OFW) ang kanyang mga pinagdadaanan sa Saudi Arabia

- Ayon sa Pinay, proud siya sa kanyang mga nagawa sa buhay dahil nakayanan niya ang pagiging kasambahay at OFW

- Kwento ng Pinay OFW, masaya siyang napabait niya ang mga alaga niyang bata kahit na hindi maganda ang trato sa kanya ng amo niya

- Payo naman niya sa ibang mga OFW, dapat daw ay maging kuntento ang mga ito at matutong magpasalamat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Pinay overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia ang nagbahagi ng kanyang mga matinding pinagdadaanan sa ibang bansa.

Nalaman ng KAMI na kahit marami siyang mga pinagdadaanan, proud pa rin siya sa kanyang mga nagawa sa buhay.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Mhabel Delos Santos na kinaya niyang labanan ang pagka-homesick at mga pinapagawa sa kanya ng amo niya kahit mahirap ang mga ito.

“Malapit na akong matapos sa laban ng buhay na pinasok ko. Kung ‘di man sila proud sa akin eh taga-kuskos nga lang naman ako ng kubeta eh ay proud ako sa sarili ko. Hindi ko masabing tagumpay ako sa larangang pinasok ko, pero tagumpay ako dahil lahat nakaya ko,” sabi nito sa kanyang Facebook post.

Paliwanag niya, ang iba raw na mga OFW ay panay reklamo agad at iyak sa tuwing sila ay mahirapan ng bahagya sa trabaho. Pero siya raw, tiniis niya ang lahat.

Laking pasamalat din ng Pinay dahil mahal na mahal siya ng mga alaga niya.

“Pero proud ako na napabait ko ang mga bata. Sila nagbibigay ng ngiti sa akin kahit malahayop trato sa akin ng selosa kong madam, minahal ko mga anak niya,” giit nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman, payo ni Mhabel sa ibang mga OFW ay matutong makuntento at magpasalamat sa mga bagay na natatanggap nila.

“Mga kapwa ko OFW, laban lang tayo.. Ang ating kalusugan at patuloy na paggising araw-araw ay sapat na para magpasalamat,” sabi ni Mhabel.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel