1 pang binata na kasama sa aksidente sa Batangas, pumanaw na rin

1 pang binata na kasama sa aksidente sa Batangas, pumanaw na rin

- Pumanaw na rin ang isa pang binata na si Darwin Lajara, na kasama sa mga naaksidente noong Martes ng gabi sa Batangas

- Isa ito sa tatlong magkakaibigan na nagbigay ng tulong sa mga biktima ng pagputok ng Taal Volcano

- Dead on the spot ang mga kasama nito na sina Maximino Alcantara at Rio John Abel habang si Lajara ay naisugod pa sa ospital

- Bumuhos naman ang pakikiramay ng mga netizens sa social media para sa tatlong binata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pumanaw na rin ang isa pang binata na kasama sa mga naaksidente sa Batangas noong Martes ng gabi.

Kinilala itong si Darwin Lajara, 26-anyos.

Si Lajara ay kasama ni Maximino Alcantara at Rio John Abel na nagbigay ng tulong para sa mga biktima ng pagputok ng Taal Volcano, na una nang naiulat ng KAMI.

Ngunit isang malagim na aksidente ang tumapos sa dapat sana'y masayang pag-uwi nila mula sa pakikipagkapwa-tao.

Ayon sa mga lumabas na ulat, dead on the spot sina Alcantara at Abel, parehong 22-anyos, habang si Lajara naman ay naisugod pa sa ospital.

Ngunit sa isang ulat ng CNN Philippines, sinabi ng isang malapit kay Lajara na pumanaw na ito ngayong Miyerkules.

Bumuhos naman ang pakikiramay ng mag netizens sa social media para sa tatlo.

"This is sad. My heart bleeds. Young people like them should live more years to make this world a better place to live in. Rest in peace heroes. Condolences to their families."
"I can't hold my tears back. You guys deserve a life long to live because of your genuine heart, not only in this world but in eternal life. U have my SALUTE! May your soul rest in peace, and condolence to your family."
"It is a great loss for all of us. These young men are a rare breed. My heart goes with their families who are bereaving but proud of them."
"They died doing heroic goals. May they rest in peace in the hands of our Lord."
"We are deeply saddened with this tragedy. May they be always remembered for their good hearts. Rest with the angels, heroic men."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasalukuyan ay nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang Taal Volcano ayon sa PHIVOLCS.

Nagbabala naman ang mga awtoridad na huwag magpakalat ng mga "fake news" na maaaring magdulot ng panic sa mga mamamayan.

Agad namang pinalilikas ng mga awtoridad ang mga residenteng nasa danger zone sa Batangas dahil sa banta ng peligro.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel