Magkasintahan, naisipang mag-donate sa mga Taal evacuees imbis na i-celebrate ang anniversary

Magkasintahan, naisipang mag-donate sa mga Taal evacuees imbis na i-celebrate ang anniversary

- Viral ang post ng magkasintahang mas minabuting mamili ng ibibigay na donasyon para sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal

- Ipinagdiriwang na nila kasi ang ika-14 na taon ng kanilang pagmamahalan ngunit imbis na mag-date, uunahin pa nila ang pagtulong

- Magagawa naman daw nilang ipagdiwang ang anibersaryo anumang oras ngunit mas kinakailangan ng ating mga kababayan partikular na sa Batangas ang tulong

- Hinangaan ng marami ang kabutihang loob na naisipang gawin ng magkasintahang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakatunaw ng puso ang ideya ng magkasintahang sina Lalaine Endaya at Carl James Guillermo para sa pagdiriwang sana nila ng ika-14 na taon ng kanilang pagmamahalan.

Ayon sa Facebook post ni Lalaine, imbis na mag-date sila ni Carl sa espesyall na araw nila noong Enero 14, mas minabuti nilang mamili ng mga dadalhing donasyon sa mga biktima ng bulkang Taal.

Ito raw ang maituturing ni Lalaine na pinakamakabuluhang anniversary gift na kanyang natanggap sa kanilang pagsasama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Laking pasalamat din ng nobya na siya talagang nakaisip na magdala ng tulong dahil agad na sumang-ayon ang nobyo at inisip na agad kung paano sila makakarating doon.

Aniya, anumang oras ay maari naman silang mag-date ng nobyo kaya naman uunahin muna nila ang pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng agarang tulong.

Sa hiwalay na post ni Lorraine, ipinakita naman niyang nakarating nga sila sa Lemery Batangas. Agad nilang naipamahagi ang mga pinamiling relief goods na lubos na kailangan ng mga evacuees.

Umani ng papuri ang magkasintahan dahil sa iinantabi muna ng mga ito ang pansariling kaligayahan para lamang makapagbahagi ng tulong sa kapwa.

Sana raw ay pamarisan ito ng marami lalo na sa panahon ngayon na dumarami na ang bilang ng pamilya sa Batangas na nangangailangan ng pagkain at maiinom.

Narito ang kabuuan ng post ni Lorraine:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel