Bricks na mula sa abo ng Taal, ipadadala ng Biñan sa mga nawalan ng bahay sa Batangas

Bricks na mula sa abo ng Taal, ipadadala ng Biñan sa mga nawalan ng bahay sa Batangas

- Araw-araw ay sako-sakong abo mula sa Taal ang winawalis ng mga taga-Biñan, Laguna

- Naisipan ng lokal na pamahalaan sa kanila na gawin itong hollow blocks o bricks upang mapakinabangan

- Sinasamahan nila ito ng recyclable na basura na matagal na rin nilang ginagamit para makagawa ng bricks

- Balak na ipadala ng lokal na pamahalaan ng Biñan sa Batangas ang mga nagawa nilang hollow blocks upang mapakinabangan sa pagpapatayo muli ng mga nawala ng tahanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napakaganda ng naisip ng lokal na pamahalaan ng Biñan sa sako-sakong abo na kanilang nawawalis at nakokolekta mula nang mag-alboroto ang Taal noong Enero 12.

Ayon sa panayam ng ABS-CBN sa alkalde ng lungsod na si Mayor Arman Dimaguila Jr., naisipan nilang pakinabangan ang halos di maubos na abo at alikabok lalo pa at dati na nilang proyekto ang paggawa ng hollow blocks at bricks mula sa recyclable na basura.

Sa pangalawang araw ng pangangalit ng Taal, nakalikom ang Biñan ng nasa dalawang truck ng abo.

Halos nasa limang porsiyento pa lamang sila ng abong nakokolekta sa lugar.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dinadala nila ito sa kanilang material recovery facility at doon prinoproseso ang abo para gawing bricks.

Bukod sa ash fall, hinahaluaan din nila ito ng recycled na basura, buhangin at semento.

Dahil sa inaasahan nilang marami pa silang magagawang bricks o hollow blocks dahil sa patuloy na pag-aalboroto ng bulkan na nasa alert level 4 pa rin, pinaplano na ng lokal na pamahalaan ng lungsod na magpadala at i-donate ang mga ito sa mga nawalan ng bahay sa Batangas.

Sa tatlong araw kasi ng pagsabog ng taal, patuloy na dumarami ang nawawalan ng tahanan lalo na sa mga apektadong lugar sa Batangas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel