Pangulong Duterte, binisita ang mga bakwit ng pagsabog ng Taal

Pangulong Duterte, binisita ang mga bakwit ng pagsabog ng Taal

- Bumisita si Presidente Rodrigo Duterte sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal

- Nanguna rin siya sa pamimigay ng mga relief goods para sa mga bakwit ng Batangas City Sports Coliseum

- Nakiisa rin ang pangulo sa isinagawang situation briefing mga lugar at kalagayan ng mga taong apektado ng kalamidad

- Idineklara na rin ng pangulo na "No man island" ang Taal volcano island at mahigpit nang pinagbabawal ang pagbalik ng mga tao papasok sa 14 kilometer danger zone sa lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinadya mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal nitong Martes, Enero 14.

Ayon sa Radyo Singko 92.3 News FM, nagtungo ang pangulo sa Batangas City Sports Coliseum upang personal na bisitahin ang mga bakwit na nakalagak doon.

Nanguna rin ang pangulo sa pamimigay ng tulong sa mga biktima ng Taal habang ito ay bahagya niyang kinakausap para kumustahin.

Nakiisa rin ang pangulo sa isinagawang situation briefing sa lugar upang malaman ang sitwasyon ng mga apektadong lugar at maging ang mga residente roon.

Samantala, pinuri ng ating punong ehekutibo ang naging tugon ng mga ahensya ng pamahalaan nang magsimulang mag-alboroto ang bulkang Taal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa niya, mananatili ang mga kasapi ng disaster response sa mga lugar na naapektuhan ng kasalukuyang kalamidad hangga't di pa natatapos ang krisis.

Samantala, nito lamang Enero 15, ikatlong araw mula nang magsimulang mag-alboroto ang Taal, idineklara nang "no man's island" ang Taal volcano Island dahil sa pananatili nitong nasa alert level 4.

Itinuring na rin kasing 14 kilometer danger zone ang lugar kung saan mahigpit nang ipinagbabawal ang pagpapapasok sa mga residenteng nais pang bumalik sa kanilang bahay.

Enero 12 nang magsimulang magparamdam nang pagsabog ang bulkang Taal kung saan mabilis na nakaranas ng ash fall maging ang mga taga Metro Manila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel