Bakwit ng Taal, binawian ng buhay sa evacuation center sa Bauan

Bakwit ng Taal, binawian ng buhay sa evacuation center sa Bauan

- Natagpuang walang buhay ang isang evacuee mula sa Taal, Batangas na isang araw pa lamang nakalagak sa evacuation center sa Bauan

- Atake sa puso ang dahilan umano ng pagkamatay nito noong Lunes, Enero 13

- Napansin ng misis nito na ubo ng ubo at bahing ng bahing ang mister bago niya ito natagpuang nakabulagta na lamang

- Sinubukan pang dalhin ito sa ospital ngunit dead-on-arrival na ito

- Mahigpit nang pinagbabawalan ang mga residente na bumalik sa kania-kanilang mga tahanan matapos madeklara ang 14 kilometer danger zone mula sa bulkang Taal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binawian ng buhay ang isang lalaking evacuee mula Taal isang araw matapos na malagak sa evacuation center sa Bauan Tech High School, Bauan, Batangas.

Ayon sa ulat ni Rambo Talabong ng Rappler, kinumpirma ng Bauan police ang pagkamatay ng lalaking nakilalang si Antonio Baleros isang araw mula nang mag-alboroto ang bulkang Taal.

Kwento ng kanyang misis na si Elvira Baleros, matapos daw silang maghapunan, napansin niyang ubo ng ubo at bahin ng bahin ang mister.

Nang balikan niya ito sa kanilang kwarto sa evacuation center, nakita na lamang niyang nakabulagta na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Cardiac arrest o atake sa puso ang dahilan at idineklara itong patay bandang ika-siyam ng gabi noong Enero 13.

Sinubukan pa umanong dalhin sa Bauan Doctors Hospital si Baleros ngunit dead-on-arrival na ito.

Ayon kay Batangas police chief Colonel Edwin Quilates, di nila mai-bilang si Baleros na casualty sa pagsabog ng bulkang Taal dahil mayroon daw itong preexisting medical condition.

Samantala, mahigpit nang pinagbabawalan ang mga residente na bumalik sa kani-kanilang mga bahay matapos nang magdeklara ng 14 kilometer danger zone ang Phivolcs dahil nanatili pa rin nasa Alert level 4 ang alert status ng naturang bulkan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel