Super dad, 'sinaklolohan' ang anak na nawala sa mood sa kanyang party

Super dad, 'sinaklolohan' ang anak na nawala sa mood sa kanyang party

- Viral ngayon sa social media ang video ng isang ama na inaliw ang mga bisita sa 7th birthday ng kanyang anak

- Tila kasi nawala sa mood ang birthday celebrant at nahiyang sumayaw

- Kaya naman to the rescue ang kanyang "super daddy" na nagpasaya sa lahat sa event

- Umani rin ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon sa social media ang video ng isang ama na inaliw ang mga bisita sa 7th birthday ng kanyang anak.

Sa video na in-upload ng nanay ng birthday celebrant na si Cyndel Jhoy, ibinida nito ang mister na todo-hataw sa saliw ng mga sikat ng tugtugin.

"Happy birthday mahal Ihcoz ayy este baby Coleen ... Hahahaha napaka lambot talaga sumayaw dinaig pako kung gumiling," biro pa ni misis.

Proud na proud ito sa ginawa ng kanyang mister para sa kanilang anak na tila nawala sa mood.

Kaya naman ang kayang "super dad" to the rescue sa kanyang anak.

Hindi naman ito nabigo dahil napasaya naman nito ang mga bisita sa event.

Umani rin ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga nakakakilala at ilang mga netizens sa social media.

"Kakatuwa si Ihcos. HAHA GALING NI DADDY NI COLEEN. happy bday pretty Coleen."
"oo nga aliw si Ihcos. Thmik yn na tao pro pag dady ka tlga mpsa mu lg anak mu khit nkka tawa kna okay lg sau."
"Grabe yung sobrang mahiyain nung h.s hahah para sa anak gagawin tlga katuwa naman ichos."
"My tinatago kà palang talent."
"Best daddy."
"Mas enjoy ung daddy kaysa kay baby.. hands up Sir Nicole."

Sa kasalukuyan ay umabot na ang views nito sa mahigit isang milyon. Mayroon na rin itong 40K reactions sa FB at 10K shares.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel