Swerte sa amo! OFW na sumayaw ng "Tala" habang nasa tabi ang amo, viral

Swerte sa amo! OFW na sumayaw ng "Tala" habang nasa tabi ang amo, viral

- Marami ang natuwa sa isang viral video ng isang Pinay Domestic Helper na sumayaw ng "Tala" habang nasa tabi nito ang among babae

- Sa video na in-upload ng Pinay, makikita pa ang amo nito na patingin-tingin sa OFW habang nagluluto

- Ngunit marami ang nakapansin na ngumiti ito bagamat tila nagtataka

- Mabilis itong nagviral at umani ng papuri matapos ang sunod-sunod na balita tungkol sa mga nasawing OFW sa ibang bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang naaliw sa isang viral video tampok ang isang Filipinas OFW na kumasa na rin sa kinahuhumalingan ng mga Pinoy ngayon na "Tala dance craze".

Pero ang naturang viral video, may "kurot" sa puso ng marami dahil ang OFW, sumayaw ng "Tala" habang nasa tabi ang amo.

Sa isang artikulo ng Rachfeed, ang Pinay na ito, nakilalang si Nicole Broca Andres, 24-anyos at nagmula sa probinsiya ng Sarangani.

Kasalukuyan itong nasa Riyadh sa Saudi Arabia bilang isang domestic helper.

Sa video na in-upload ni Nicole, makikita pa ang amo nito na patingin-tingin sa OFW habang nagluluto.

Ngunit marami ang nakapansin na ngumiti ito bagamat tila nagtataka sa ginagawa ng kasama habang nakatapat sa cellphone.

Ayon sa post, pinatigil na siya ng amo sa pagsasayaw dahil nagluluto pa raw sila.

Biro pa ni Nicole, wala siyang choice kung 'di ang tumigil dahil baka paluin siya nito ng kaldero.

Maraming Pinoy netizens ang natuwa sa viral video na ito. Tila ito "pause" sa sunod-sunod na balita ng pang-aabuso sa ating mga kababayan sa ibang bansa, partikular na sa Middle East.

Sa isang report ng KAMI, isang kalunos-lunos na balita muli ang sumambulat sa publiko nang lumabas na ang autopsy report na ginawa ng NBI sa mga labi ng pinaslang na OFW sa Kuwait na si Jeanelyn Villavende.

Sa kasalukuyan, mayroong "partial deployment ban" sa Kuwait sa mga household workers dahil sa sinapit ni Villavende, na naiulat na rin ng KAMI.

Ngunit irerekomenda raw ni Labor Secretary Silvestre Bello III na gawin na itong "total deployment ban" dahil sa sinapit ng isa na namang Pinay doon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel