Lolo, nag-drive thru kasama ang mga apo gamit ang kalabaw niya

Lolo, nag-drive thru kasama ang mga apo gamit ang kalabaw niya

- Tampok ngayon online ang isang lolo na nag-drive thru sakay-sakay ang kalabaw niya

- Mas naging espesyal pa ang pasyal ni lolo dahil kasa-kasama niya ang kanyang mga apo at pumunta sila ng Jollibee

- Nilibre ni lolo ang kanyang mga apo at labis naman ang tuwa ng mga ito nang maka-order na sila

- Samantala, natuwa rin ang mga netizens sa pagmamahal ni lolo sa mga apo niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media ang lolo matapos niyang ipasyal ang mga apo niya gamit ang kanyang kalabaw.

Nalaman ng KAMI na nag-drive thru pa si lolo sa Jollibee para may makain ang mga apo niya.

Ang video ay ibinahagi ng Facebook page na HYPE Capampangan noong January 12.

“Dinala ni lolo ang kanyang mga apo sa Jollibee Drive Thru gamit ang KALABAW,” sabi nito sa caption niya.

Makikita nga sa video na talagang naging masipag si lolo na dalhin ang mga apo niya sa Jollibee. Nang sila ay dumating nga sa counter ay kanya-kanyang umorder ang mga bata at binayaran na lang ito ni lolo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maraming mga netizens ang na-touch sa pagmamahal ni lolo sa mga apo niya. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook video:

“Yan Ang Lolo ginawa lht pra s mga apo....”
“Salute Naman Kay lolo... Sana all Mahal Ang lahat NG apo.. pero naawa din ako SA.kalabaw Kasi Mano Mano Ang paghila nya walang gulong..”
“Maganda at masayang memories ang babaunin ng mga bata sa kanilang pagtanda”
“Para sa ikakasaya ng kanyang mga apo, God bless you Lolo.”
“lahat gagawin ni lolo para sa apo . .”
“yan ang tunay na pagmamahal sa mga apo, di alintana ang init mapasaya lang ang mga bata.. saludo ako sa 'Lo..”

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel