Magkasintahan, bumili ng relief goods para sa biktima ng Bulkang Taal bilang anniversary gift nila

Magkasintahan, bumili ng relief goods para sa biktima ng Bulkang Taal bilang anniversary gift nila

- Tampok sa social media ngayon ang magkasintahan na namili ng relief goods para sa mga biktima ng Bulkang Taal

- Ang kanilang pinamili na groceries ay nagsilbing anniversary gift nila sa isa’t-isa ngayong ika-14 na anniversary nila

- Laking pasalamat ng babae sa boyfriend niya dahil sinuportahan nito ang kahilingan niya para sa kanilang anniversary

- Samantala, natuwa rin ang mga netizens sa naging kabutihan ng kalooban ng magkasintahan lalo na ngayong may sakuna

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang magkasintahan ang nakaisip na tumulong na lang sa kapwa nila imbis na mag-date sa kanilang ika-14 na anniversary.

Nalaman ng KAMI na imbis na kumain sa mamahaling restaurant ay naisip na lang ng magkasintahan na bumili ng mga relief goods at tumulong sa mga naging biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ayon sa ulat ng Move.PH, ni-request ni Lalaine Endaya sa kanyang boyfriend na pumunta na lang sila sa Lemery, Batangas nitong ika-14 ng Enero upang tumulong sa mga biktima.

Para kay Lalaine, ito na raw ang anniversary gift na hinding-hindi niya malilimutan.

"Ito 'yung anniversary gift na hinding-hindi ko makalimutan. Thank you kasi super dali mo kausap. Sabi ko ayoko na ng date kasi pwede naman natin gawin anytime yun,” sabi ni Lalaine.

Malaki rin ang kanyang pasasalamat sa boyfriend niya na sinuportahan ang kahilingan niya at handang magsakripisyo para sa kanya.

“Thank you kasi nung sinabi ko na ang gusto ko na anniversary gift ay pumunta tayo ng Batangas at mag bigay ng tulong, pumayag ka agad tapos ang tanong mo lang saan tayo dadaan...Thank you kay Lord kasi binigyan niya ko ng boyfriend na grabe magsakripisyo at sumuporta sa lahat ng bagay na gusto ko," dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, natuwa rin ang mga netizens sa naging kabutihan ng mag-asawa. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“God bless your hearts..God's protection upon you as you serve our countrymen.”
“Happy Anniversary and thank you for support may God Bless your family”
“The best gift! Anniversary to remember!”
“More anniversaries to come to both of you ..God bless”

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel