Isang malaking sinkhole sa China, nilamon ang bus at 6 na tao ang nasawi

Isang malaking sinkhole sa China, nilamon ang bus at 6 na tao ang nasawi

- Isang malaking sinkhole ang lumamon sa bus sa China at nagkaroon pa ng pagsabog matapos nito

- Ayon sa ilang mga ulat, nasa 6 ang naitalang namatay at 16 ang sugatan dahil sa insidenteng nangyari

- Kitang-kita sa isang CCTV footage ang pagsalba ng isang lalaki sa baby para hindi ito lumubog sa sinkhole

- Kamakailan nga ay sunod-sunod ang pagkakaroon ng sinkhole sa China, lalo na sa mga underground construction site

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang malaking sinkhole sa China ang lumamon sa isang bus at nagdala ng pagsabog dito.

Nalaman ng KAMI na nasa 6 na katao ang namatay dahil sa insidente.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, nasa tatlong tao ang naiulat na nawawala matapos ang trahedyang nangyari noong Lunes.

Samantala, nasa 16 na tao ang naitalang nasugatan matapos magkaroon ng pagsabog sa lugar.

Makikita sa video na ang isang lalaki ay kinuha pa ang baby upang maisalba ito sa paglubog.

Muling bumalik ang lalaki kasama ang iba pang mga tao upang kunin ang babaeng nakasabit sa gilid. Subalit, muling gumuho ang lupain.

Mapapanood ang insidente rito:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Iniimbistigahan ng awtoridad ngayon ang insidenteng nangyari sa Xining.

Kamakailan ay maraming sinkhole ang naglipana sa China. Noong December 1, 2019, lang ay may isang malaking sinkhole ang lumamon sa dalawang sasakyan sa Guangzhou.

Matapos ang halos dalawang linggo ay isang sinkhole ang namataan sa isang underground construction site sa may Xiamen. Dalawang sasakyan din ang naipit dito.

Noong 2018 naman ay apat ang namatay sa isang sinkhole na bumuka sa Dazhou, Sichuan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel