Magkaibigang nagdala ng tulong sa Batangas, nasawi sa malagim na aksidente

Magkaibigang nagdala ng tulong sa Batangas, nasawi sa malagim na aksidente

- Hindi naging masaya ang katapusan ng kanilang pagtulong para sa magkaibigang Maximino at Rio

- Matapos kasing magbigay ng tulong ang dalawa sa mga nasalanta dahil sa pagputok ng Taal Volcano, nasawi ang mga ito sa isang malagim na aksidente sa kalsada

- Mabilis na nagviral sa social media ang nangyari sa dalawa at bumuhos ang pakikiramay para sa mga ito

- Maraming netizens ang nalungkot sa balitang ito lalo pa at galing lamang ang mga ito sa pagtulong sa mga nangangailangan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tinapos ng isang malagim na aksidente ang dapat sana'y masayang pag-uwi ng magkaibigang Maximino Alcantara III and Rio John Abel.

Ang mga biktima, nasangkot sa isang aksidente sa kalsada matapos silang magbigay ng tulong sa mga biktima ng pagputok ng Taal Volcano sa Batangas.

Sa post ng kaibigan ng mga ito na si Lan Capili, sinabing pauwi na ang dalawa nang mangyari ang aksidente.

Diumano, sumalpok ang kotseng sinasakyan ng dalawa sa isang truck sa Barangay Banay Banay, Lipa City noong gabi ng January 13.

Mabilis na nagviral ang nangyari sa dalawa at bumuhos ang pakikiramay sa social media.

Maraming netizens ang nalungkot sa sinapit ng dalawang binata na ang tanging hangad lang ng mga oras na iyon ay ang makatulong sa mga nangangailangan.

"Salamat sa mga young and modern heroes na tulad nila. condolences to your family. hnd sana malimutan ang kabayanihan ng 2 heroes na eto. thank u."
"Two angels have recieved their wings ..condolence po sa pamilya.Kayo ay mga bayani kabayan.Rest in peace."
"Salute you both..Rest in Peace....Condolence to the bereaved family."
"Salute sa inyo Sir Maximino at Sir Rio. Tunay kayong mga bayani. may your soul rest in peace. Condolence po sa kanilang family."
"Rest in peace true heros my deepest condolence to their family, napaka buti nyo po nag effort kayo pra makatulong sa kababayan natin, sobra nakaka proud ung ginawa nyo po..forever salute."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isang ulat ng KAMI, nagbigay ng babala ang PHIVOLCS sa mga residenteng malapit sa mga bitak na naiulat sa Batangas.

Pinayuhan ang mga ito ng mga awtoridad na agad na lumikas dahil sa posibleng mas malakas na pagsabog ng Taal Volcano.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel