Karumal-dumal! Autopsy sa katawan ng pinatay na OFW sa Kuwait, nakapanlulumo

Karumal-dumal! Autopsy sa katawan ng pinatay na OFW sa Kuwait, nakapanlulumo

- Tila hindi pa natapos ang sakit sa pagkamatay ng pinatay na OFW sa Kuwait na si Jeanelyn Villavende

- Matapos kasing isapubliko ang autopsy report na isinumite ng NBI ay mas nakapanlulumo pa ang mga detalye rito

- Dito nalamang may mga bahagi ng katawan ng biktima ang nawawala, katulad ng utak at puso nito

- May indikasyon din na ginahasa ang dalaga bago pinatay base sa nakita sa katawan nito bagamat hinihintay pa ng mga awtoridad ang ilan pang mga laboratory results

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Karumal-dumal ang sinapit ni Jeanelyn Villavende, ang Pinay OFW na pinatay ng kanyang mga amo sa Kuwait noong Disyembre.

Ngunit tila hindi pa natatapos ang sakit sa pagkamatay nito dahil sa mga lumabas sa autopsy report na isinumite ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon dito, nasawi ang biktima dahil sa "multiple, severe traumatic injuries including genitalia injuries."

Batay sa ulat ng Inquirer, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na may nakitang indikasyon na ginahasa ang OFW bago ito pinatay, bagamat hinihintay pa ng mga awtoridad ang ilan pang laboratory results.

Lumabas din na ang ulo ni Villavende ay may hiwa at may nakapasak na limang piraso ng tela roon na puno ng dugo at isang gamit na surgical gloves.

Nawawala rin daw ang puso at pancreas ng biktima pero posible rin na tinanggal ito para sa mga isinagawang autopsy dito ayon sa NBI.

Noong nakaraang linggo, dumating ang mga labi ni Villavende sa bansa at inutos ni Labor Secretary Silvestre Bello III na magsagawa ng sariling autopsy ang NBI.

Tinawag ni Bello na sinungaling at palpak ang autopsy report mula sa mga Kuwaiti authorities, na una nang naiulat ng KAMI.

Bagamat hindi pa dumarating ang autopsy report mula sa Kuwait, may mga reports na raw na hindi ito kumpleto, ayon kay Guevarra.

"The autopsy results from Kuwait and the NBI are essentially the same. They have the same cause of death, Villavende was mauled to death.

"It is just that the NBI came out with other findings that were not seen in the Kuwaiti report. But the cause of death was the same due to trauma, injury due to infliction of injuries to the body," anito.

“The autopsy report is a factual report but we cannot yet conclusively say that she was raped or sodomized until we see the laboratory reports. But the autopsy report showed laceration in both the genitalia and in the anal region, so there are indications of sodomy,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang report ng KAMI, nagdeklara na ng "partial deployment ban" ang Pilipinas sa Kuwait. Ngunit irerekomenda na raw ni Bello na gawin itong "total deployment ban" dahil sa sinapit ni Villavende.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel