Magkakaibigan na naglilinis ng bubong dahil sa ash fall, napasayaw ng 'Tala'

Magkakaibigan na naglilinis ng bubong dahil sa ash fall, napasayaw ng 'Tala'

- Nagpakita ng Pinoy spirit ang magkakaibigan mula sa Cavite sa kanilang viral video habang naglilinis ng bubong na inabo dahil sa matinding ash fall dala ng Taal Volcano

- Sa halip kasi na mainis, idinaan na lamang ng mga ito sa pagsasayaw ang kanilang pagod

- At ang kanilang background music, walang iba kung 'di ang viral na "Tala" ni Sarah Geronimo

- Ayon sa post, pampa-good vibes ng mga ito ang ginawa para sa kanilang mga kapitbahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talagang nagpakita ng Pinoy spirit ang magkakaibigan mula sa Cavite sa kanilang viral video habang naglilinis ng bubong na inabo dahil sa matinding ash fall dala ng Taal Volcano.

Ngunit sa kabila ng perwisyong dinaranas ay sinabayan na lamang ng magkakaibigang Rince, Toti, at Jepoy ng videoke at ang viral na "Tala" ni Sarah Geronimo.

Sa video na ni-reupload ng News5, makikita ang magkakaibigan habang bigay-todo sa pagsayaw ng viral dance craze na pinauso ni Sarah G.

Habang ang isa sa kanila ay kinanta naman ito sa videoke.

Ayon sa post, pampa-good vibes nila ito sa kanilang mga kapitbahay lalo pa matinding problema na sa mga ito ang paglilinis ng abo.

Hindi naman nabigo ang mga ito dahil ang kanilang video, umani ng papuri mula sa mga netizens.

"Modelo sila ng mga taong matatag kahit anung pagsubok ibigay sa knila kanilang tinatanggap ng may positibong pananaw..."
"Pilipino talaga.. Ito ata ang wala sa ibang lahi. Yung katatagan at pagiging positibo lang sa kabila ng pinag dadaanang kalamidad."
"Yung makita mo mga post sa fb na nakadurog sa puso dahil sa pagputok ng Taal. Pero ng makita ko ito natawa ako. Hala hataw pa more.. para dina ma stress at malungkot dahil sa trahedya. Yan ang pinoy palaban."
"Thats the Spirit !!! Iba talaga ang pinoy kahit ano mangyari tuloy lang ang buhay, idaan sa pagawit at pagsayaw ano man pinagdaraan !!! GOD BLESS po sa inyong lahat matatapos din ang Unos.."
"Kht anong sakuna, masayahin tlga taung mga pinoy, KEEP SAFE EVERYONE, lalo na sa batangas at mga cities na affected."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, muling nagpaalala ang mga awtoridad na dapat nang lumikas agad ang mga residenteng malapit sa mga bitak na naitala sa Batangas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel