Mga bitak na nakita sa ilang lugar sa Batangas, nagbabadya ng delubyo

Mga bitak na nakita sa ilang lugar sa Batangas, nagbabadya ng delubyo

- Nagbigay muli ng babala ang PHIVOLCS sa mga residente sa ilang lugar sa Batangas matapos magkaroon ng mga bitak sa lupa sa ilang lugar doon

- Iginiit ng ahensiya na dapat nang lumikas ang mga mamamayan sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng mas malakas na pagsabog ng Taal Volcano

- Batay sa mga updates ng PHIVOLCS, umabot na sa 335 ang naitalang lindol at 81 ang nasa intensity I hanggang V, na malakas na raw para sa isang volcanic earthquake

- At kahit pa medyo kumalma ang Taal Volcano ay hindi pa rin daw dapat na makampante lalo pa at nagkaroon na ng mga fissures

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbigay muli ng babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa mga residente sa ilang lugar sa Batangas matapos magkaroon ng mga bitak sa lupa sa ilang lugar doon.

Posible raw kasi na ang kasunod nito ay ang mas malakas pang pagsabog.

Ayon sa ulat ng Inquirer, ipinaliwanag ng ahensiya na ang "fissuring" ay resulta ng pag-akyat ng magma sa ibabaw ng bulkan.

“Ito pong fissures na ito or fractures, ito po ay nangyari din nung 1911 na pagputok ng bulkan bago po nagprogress sa climactic o explosive eruption," ani Ma. Antonia Bornas, chief ng Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division.

May mga naiulat nang pagbitak ng mga lupa sa ilang lugar ng Batangas.

Sa isang tweet ng DZMM Tele Radyo, napakahabang bitak ang nakita sa isang highway sa Lemery, Batangas.

Ayon sa Kapitan sa lugar, nagsimula raw mapansin ng mga residente ang mga crack doon noong Lunes nang magsimulang magbuga ng abo ang Taal Volcano.

Pero nang magkaroon ng sunod-sunod na pag-lindol ay mas humaba pa ito at 20 kabahayan ang napinsala dahil dito.

Isa pang indikasyon ng malakas na pagsabog ay ang mga naitalang volcanic earthquakes na umabot na sa 335 ang bilang.

Ang ilan sa mga ito ay naramdaman mula intensity I hanggang intensity V na malakas na raw para sa volcanic earthquake.

“Ito pong mga na-observe natin na tuloy-tuloy na paglindol na malalaki, kasama ng fissuring o mga panibagong fissures, naghuhudyat po na meron talagang magma na umaakyat pa sa Taal,” paliwanag ni Bornas.

Samantala, bahagya namang kumalma ang Taal Volcano at nabawasan ang ibinubugang abo, ngunit hindi raw dapat na makampante dahil dito.

“Hindi po porke’t humina ang intensity ng surface activity ay ibig sabihin ay naibsan po ang panganib, lalo na po ngayong meron na tayong fissuring,” ani Bornas.

Kaya naman iginiit ng ahensiya na dapat palikasin ang mga residente sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng mas malakas na pagsabog na maaaring sundan pa ng volcanic tsunami, landslides, at volcanic slide.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng KAMI, nananatiling alerto ang mga awtoridad sa aktibidad ng Taal Volcano, pero anito, mayroon pa raw dalawang aktibong bulkan sa bansa ang nasa Alert Level status.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel