Sasakyan na magdadala ng relief goods sa mga biktima ng Taal, binato

Sasakyan na magdadala ng relief goods sa mga biktima ng Taal, binato

- Binato ang isa sa mga ginamit na volunteer vehicle na magdadala ng relief goods

- Nasa kahabaan na raw ng Shaw Boulevard ang mga sasakyan nang biglang nabasag ang harap na salamin ng isa sa mga volunteer vehicle

- Agad namang tinagpian na muna nila ito ng tape nang sa gayon ay di na ito bumagsak

- Nagmamadali raw ang mga volunteers na ito dahil kailangang-kailangan na mga evacuees ang dala nilang tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Basag ang harap na salamin ng isa sa mga sasakyan ng Marikina Filipino-Chinese Fire Volunteer at Hilux Club of the Philippines nang batuhin ito sa kahabaan ng Shaw Boulevard ntiong Enero 13 ng gabi.

Ayon sa ABS-CBN, binahagi raw ni Bryan Ace Llabres Asuncion, isa sa mga volunteers ang mga larawan ng sinapit ng kanilang sasakyan sa kanyang Facebook.

Kwento pa ni Asuncion, nagmamadali na sana silang makarating sa Batangas upang agad na maipamigay ang mga dala nilang relief goods.

Laking gulat nila nang bigla na lamang bumato sa sasakyan at tinamaan ang windshield na agad na nasira.

Makikita sa larawan na agad na tinapalan muna nila ito ng tape upang di tuluyang mahulog ang basag na salamin.

Di rin maiiwasang sumama ng loob ni Asuncion dahil sa perwisyong idinulot ng sinumang nambato sa kanila.

Patungo noon ang kanilang grupo sa Tanauan, Batangas at nang dumaan sa may footbridge sa EDSA, doon naganap ang pambabato.

Maging ang mga netizens ay di naiwasang maglabas ng saloobin sa sinuman ang gumawa nito,

Ngunit laking pasalamat naman nilang walang nasaktan sa grupo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento:

"Dapat bantayan ung area jan at kapag mahuhuli ung nangbabato pakidala nlang po doon sa bulkang taal pakilagay nadin dun sa tuktok ng bulkan,patawad lord pero mga ganitong tao na perwisyo sa lipunan dapat bgyan ng leksyon..btw salamat sa mga tumulong at mga volunters, more blessings sa inyo"
"Sana nman po sa mga ganitong sitwasyon kung wala man tayong maitutulong e huwag nmang maging dagdag perwesyo sa ibang ngmamagandang loob. God bless everyone!"
"Wala na maitulong nangaabala pa ..go wala pwede humarang sa mga taong gustong tumulong sa nangangailangan."
"Mga Batang hamog siguro yan. Dpat mahuli mga yan eh. Perwisyo. Marami ang nangangailangan ng tulong tapos ganyan pa sila"

Sa unang ulat ng KAMI, maaalalang naging emosyonal ang alkalde ng Agoncillo, Batangas sa paghingi ng tulong para sa kanyang nasasakupan.

Kahit daw kasi maayos na ang lagay ng karamihan sa mga evacuation centers, kinukulang pa rin daw talaga roon ng pagkain at tubig.

Kaya naman malaking bagay sana na nakarating kaagad ang mga naperwisyong volunteers na may dalang mga trak ng tulong sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel