Pinay OFW sa Hong Kong, naging emosyonal nang manakaw ang pinaghirapang pera

Pinay OFW sa Hong Kong, naging emosyonal nang manakaw ang pinaghirapang pera

- Nanakawan ang isang Pinay overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong matapos nitong makuha ang pinaghirapan niyang pera

- Naging emosyonal ang Pinay nang malaman niyang nawala na ang pera niya sa kanya at napaupo na lang siya habang umiiyak

- Ayon sa video, ang perang nawala ay ipapadala sana ng OFW para sa kanyang nanay na may sakit sa Pilipinas

- Nagtulong-tulong naman ang kanyang mga kapwa OFW sa Hong Kong upang magkaroon siya ng pera kahit papaano

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Pinay na overseas Filipino worker (OFW) ang naging emosyonal nang malamang siya ay nawalan ng pera.

Nalaman ng KAMI na kakasahod pa lang ng Pinay nang biglang manakaw ang pinaghirapang pera niya.

Sa ulat ng Expatreaders, nagtulong-tulong pa ang ibang mga OFW sa Hong Kong upang makalikom ng pera para ibigay sa kanya.

Makikita sa YouTube video na labis ang iyak ng Pinay dahil ang perang nawala sa kanya ay ipapadala niya pa sana sa kanyang nanay na may sakit sa Pinas.

“Ang sahud ng isang OFW ay galing sa dugot pawis kaya masakit ba nawala ito dahil ninakaw ng walang pusong Tao,” sabi nito sa caption.

“Padala Sana para sa inang me sakit. Ang pera nawala ng isang iglap,” dagdag niya pa.

Malaki rin ang pasalamat ng Pinay sa ibang mga kapwa OFW niya nagbigay ng kanilang mga pera upang matulungan siya.

Mapapanood ang emosyonal na video ng Pinay OFW dito:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Noong nakaraang taon nga ay nauso ang nakawan sa Hong Kong maging sa mga Pilipino man o ibang lahi.

Taong 2018 nang mawalan ang Pinay ng mahigit P200,000 habang naglalakad siya sa Central ng Hong Kong. Ang insidenteng ito ay kitang-kita sa CCTV footage.

Mag-iingat po ang lahat!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel