Binatilyong tumulong sa mga evacuees ng pagsabog ng Taal, pumanaw sa aksidente

Binatilyong tumulong sa mga evacuees ng pagsabog ng Taal, pumanaw sa aksidente

- Pumanaw sa kalunos-lunos na aksidente ang isang binatilyong nakapagdala pa ng tulong sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal

- Labis na nalungkot ang kanyang dating guro nang mabalitaan ang nangyari sa kanyang estudyante

- Nagawa pa raw kasing humingi ng tulong ng binatilyo ngunit kalaunan ay pumanaw din

- Nag-viral ang post ng guro at umani ng papuri ang dati niyang estudyante dahil sa pagpapakita nito ng kabutihan kahit sa mga huling oras na pala ng kanyang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang madamdaming post ng isang guro sa pagkamatay ng kanyang dating estudyante.

Kwento ng guro na si Maria Cristina Floren, laking gulat niya ng pumanaw sa isang kalunos-lunos na aksidente ang kanyang dating estudyante na si Rio John Abel.

Ayon pa sa guro, nabalitaan pa niyang tumulong pa mismo si Rio sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.

Kaya naman, napakasakit daw malaman na isang aksidente sa kalsada ang kikitil sa buhay ng kanyang dating mag-aaral.

Nalaman ng KAMI na nagawa pa raw ni Rio na tumawag upang makahingi ng tulong dahil sa naiipit na raw ang paa nito ngunit kalaunan ay pumanaw din ito.

Binatilyong tumulong sa mga evacuees ng pagsabog ng Taal, pumanaw sa aksidente

source: Maria Cristina Floren FB
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento pa ng guro, makulit man daw ito noong nag-aaral pa ngunit masipag naman na daw ito noong siya ay nagtrabaho na.

Nanghihinayang din ang ina ni Rio na agad itong nawala dahil marami pa itong nagagawang kabutihan maging sa huling oras na pala ng kanyang buhay.

Umabot sa mahigit 83,000 ang postibong reaksyon ng post.

Maraming humanga sa pagiging matulungin ni Rio at sana ay pamarisan din daw ito ng ibang kabataan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel