Phivolcs, nagbabala sa posibleng mas malakas na pagsabog ng Taal Volcano

Phivolcs, nagbabala sa posibleng mas malakas na pagsabog ng Taal Volcano

- Hindi raw inaalis ng PHIVOLCS ang posibilidad na magkaroon pa ng mas malakas na pagsabog ang Taal Volcano

- Ayon sa panayam kay USEC. Renato Solidum, inaasahan pa rin ang patuloy na aktibidad ng bulkan

-Umabot na sa 212 ang lindol sa Batangas at 81 sa mga ito ay naramdaman mula intensity I hanggang V

-Sa Lemery, nagkaroon ng 3 kilometrong haba ng bitak na lumitaw sa kalsada matapos ang sunod-sunod na paglindol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi raw inaalis ng PHIVOLCS ang posibilidad na magkaroon pa ng mas malakas na pagsabog ang Taal Volcano.

Paliwanag ni PHIVOLCS Director USEC. Renato Solidum sa ulat ng ABS-CBN News, posible ito kapag ang magma ay mabilis na umaakyat.

"Inaasahan nating magpapatuloy pa ang activity ng Taal Volcano at hindi natin inaalis 'yung posibilidad na magkaroon ng mas malakas pang pagsabog kung sakaling ang magma na umaakyat ay bumilis," ayon kay Solidum.

"Ang pag-aaral po natin d'yan sa Taal Volcano kung mabilis po ang pag-akyat ng magma, mas maraming supply mas delikado ang eruption."

Umabot na sa 212 ang lindol sa Batangas at 81 sa mga ito ay naramdaman mula intensity I hanggang V.

Sa Lemery, nagkaroon ng 3 kilometrong haba ng bitak na lumitaw sa kalsada matapos ang sunod-sunod na paglindol. 20 bahay ang nawasak dahil dito, base sa ulat ng DZMM TeleRadyo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagbabala naman ang PHIVOLCS na huwag munang bumalik sa Taal ang mga residente dahil delikado pa ang sitwasyon doon.

Sa nakalipas na 24 oras ay patuloy pa rin daw ang aktibidad ng bulkan at nagbubuga pa rin ng lava at abo, na una nang naiulat ng KAMI.

Itinanggi naman ng PHIVOLCS ang kumakalat na balita na itinaas na sa alert level 5 ang bulkan at nanatili pa rin daw sa alert level 4 ito, na naibalita na rin ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel