Mayor ng Agoncillo, emosyonal na umapela ng tulong mula sa ibang kapwa alkalde sa Batangas

Mayor ng Agoncillo, emosyonal na umapela ng tulong mula sa ibang kapwa alkalde sa Batangas

- Di napigilang maluha ng alkalde ng bayan ng Agoncillo sa Batangas na si Mayor Daniel Reyes

- Humingi na kasi ito ng tulong sa mga kapwa niya mayor ng probinsya na mabigyan ng pagkain at tubig ang mga kababayan niyang nasa iba't ibang evacuation centers

- Ang kanila kasing bayan ang may pinakamalalang pinsalang natamo sa kasalukuyan dahil sila rin ang pinakamalapit sa Taal

- Kasalukuyan pa ring nasa alert level 4 ang aktibidad ng bulkan na maari pang lumakas anumang oras o araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging emosyonal ang alkalde ng Agoncillo, Batangas na si Mayor Daniel Reyes nang humingi na ito ng tulong para sa kanyang mga kababayan.

Binahagi ng netizen na si Tonnette Magsino ang nakakaantig ng pusong video ng panawagan ng alkalde sa panayam sa kanya ng ABS-CBN.

Umapela na si Mayor Reyes sa mga kapwa niya alkalde ng Batangas na kung maari ay mapadalhan ng pagkain at tubig ang mga kababayan niyang nasa iba't ibang evacuation centers na.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Agoncillo kasi ang pinakamalapit na bayan sa bulkang Taal kaya sila rin ang mayroong matinding pinsalang natamo gayundin ang Talisay.

Patuloy pa rin ang aktibidad ng bulkang Taal na nakataas pa rin sa alert level 4. Nangangahulugan lamang na maari raw itong mas lumakas pa sa mga susunod na oras o araw.

Mahigpit na ring pinalilikas ang mga residente na hanggang 14 kilometro ang layo mula sa bulkan.

Maging ang mga sasakyang panghimpapawid na kumukuha ng mga kaganapan sa nagaganap sa bulkan at mariin na ring ipinagbabawal dahil sa masamang epekto ng ibinubuga ng Taal sa tao.

Naglabas na rin ng listahan ng mga barangay ang Phivolcs na maari raw maapektuhan sakaling magkaroon ng volcanic tsunami. Una na itong naiulat ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel