Taal Volcano, patuloy na aktibo; nagbubuga pa rin ng lava at abo

Taal Volcano, patuloy na aktibo; nagbubuga pa rin ng lava at abo

- Patuloy pa rin ang aktibidad ng Taal Volcano sa Batangas na nagbubuga pa rin ng lava at abo ayon sa PHIVOLCS

- Nananatiling alerto ang mga awtoridad dahil posibleng umabot sa alert level 5 ang bulkan

- Ibig sabihin maaaring sumabog anumang oras ang Taal Volcano at maaari ring magkaroon ng volcanic tsunami

- Sa Pulo island sa Batangas, halos nilamon na ng abo ang mga kabahayan doon

- Habang ang libo-libong residente naman nangangamba dahil ayon sa PHIVOLCS, wala pang kasiguruhan kung hanggang kailan magtatagal ang pag-aalboroto ng bulkan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Patuloy pa rin ang aktibidad ng Taal Volcano sa Batangas sa lumipas na 24 oras na nagbubuga pa rin ng 500-meter na lava fountain at abo.

Ayon sa PHIVOLCS, nananatili pa rin sa alert level 4 ang bulkan. Ibig sabihin posibleng magkaroon ng "hazardous eruption" anumang oras o araw.

Nananatiling alerto ang mga awtoridad dahil posibleng umabot sa alert level 5 ang bulkan at maaari ring magkaroong ng volcanic tsunami.

"For the past 24 hours, Taal Volcano's activity has been characterized by continuous eruption of the main crater due to magmatic and hydrovolcanic activity," ayon sa PHIVOLCS.

"This ongoing eruption generated 500-meter-tall lava fountains topped by dark gray steam-laden plumes reaching approximately two kilometers tall that dispersed ash to the southwest and west of the main crater."

Nagkaroon din ng 212 volcanic earthquakes Taal area ayon sa isang ulat ng Rappler.

"Such intense seismic activity probably signifies continuous magmatic intrusion beneath the Taal edifice, which may lead to further eruptive activity," sabi ng PHIVOLCS.

Sa kasalukuyan ay nasa state of calamity na ang Batangas.

Sa Pulo Island, halos nilamon na ng abo ang mga kabahayan doon at nakakakilabot na ang lagay ng lugar.

Habang ang libo-libong residente naman nangangamba dahil ayon sa PHIVOLCS, wala pang kasiguruhan kung hanggang kailan magtatagal ang ganitong sitwasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng KAMI, turista na namamasyal sa Taal volcano ilang minuto bago ang pag-aalboroto nito ang nakuhanan pa ng video ang pagbuga ng usok mula rito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel