Mga Pinoy, namimigay ng libreng face mask matapos ang matinding ashfall

Mga Pinoy, namimigay ng libreng face mask matapos ang matinding ashfall

- Tampok sa social media ngayon ang mga Pinoy na nagpamalas ng kanilang kabutihang loob

- Isang Pinay sa Japan ang nagpadala ng 1,000 na N95 face masks para sa mga nangangailangan sa Pinas

- Samantala, isang Pinoy din ang namimigay ng libreng face mask sa mga motorista at pasahero sa kahabaan ng Maynila

- Tuwang-tuwa naman ang ilang mga netizens sa kabaitan ng ibang mga Pinoy matapos sumabog ng Bulkang Taal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Pilipina sa Japan ang nagmagandang loob na mamigay ng libreng N95 face masks sa Pilipinas matapos sumabog ng Bulkang Taal.

Nalaman ng KAMI na nasa 1,000 na N95 face masks ang ipapadala ng Pinay na si Glendy Cruz para sa mga kababayan niya.

Nakipagtulungan din si Glendy sa ibang mga Pinoy upang matagumpay na maipadala ang face masks sa mga nangangailangan.

Maraming mga netizens naman ang natuwa sa kabaitan ng Pinay. Narito nga ang kanilang ilang mga komento sa Facebook post:

“You have a good heart. God bless you”
“Thank you...God bless you and your family.”
“Thank you for sharing your blessings. Ps. Sana maibigay dun sa mga nasalanta ng pagsabog ng bulkan kase sila ang may mas nangangailan”
“You are a blessing to a lot of people who need this masks right now.....”
“That will be helpful for those in need. Thank you”

Kamakailan nga ay ilang mga tindahan ang sinamantala ang pangangailangan ng mga Pinoy sa face mask dahil sa matinding ashfall. Binenta na nila ito sa mas mahal na presyo habang ito ay nagkakaubusan na.

Samantala, isang Pinoy din ang nakita sa video na namimigay ng libreng face mask sa mga motorista at pasahero sa kahabaan ng Maynila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna nang naiulat ng KAMI na ilang mga Pinoy ang nagpamalas ng kanilang kabaitan sa mga nangangailangan.

Ang ilan nga ay tumutulong linisin ang kotse ng iba, namimigay ng libreng pagkain at face masks.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel