Turistang nasa Taal Volcano bago ito mag-alboroto, nag-upload ng video

Turistang nasa Taal Volcano bago ito mag-alboroto, nag-upload ng video

- Muntik na ngang mapahamak ang isang grupo ng turista at ilang mga tour guides na namamasyal sa Taal Volcano

- Ilang minuto bago pa tuluyang magbuga ng abo ang bulkan ay nakuhanan pa ito ng video ng mga turista

- Nang makita ito nang mga lokal ay agad na pinalikas ang mga turista at nagmamadaling umalis sa isla

- Mabuti na lamang at nakaalis na sila sa isla nang tuluyan nang mag-alboroto ang Taal Volcano

- Mabilis na nagbigay din ng babala sa mga mamamayan ang ilang guide na kasama ng mga turista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi inasahan ng isang grupo ng turista na ang kanilang masayang hiking ay mauuwi sa muntik na nilang pagkapahamak.

Sa isang video kasi na in-upoload ng turistang si Michella Domenici, ay makikita pa ang Taal Volcano na nagbubuga ng maliit na usok.

Hudyat na pala ito sa mas malaking sakuna.

Mabuti na lamang at agad itong napansin ng mga tour guide na kasama na nila na mga lokal na mamamayan sa lugar.

Mabilis silang pinalikas ng mga ito sakay ng mga kabayong ginagamit sa pamamasyal doon.

Makikita sa video na nagpanic ang mga ito dala marahil ng takot sa posibleng mangyari kapag nagtagal pa sila roon.

Habang ang usok na ibinubuga ng bulkan ay patuloy sa paglaki.

Mabuti na lamang ay agad silang nakalikas sa isla sakay ng mga bangka.

At nang makalayo na sila roon ay doon na tuluyang naging aktibo ang Taal Volcano.

Dahil dito, mabilis na nagbigay na nagbigay ng babala ang mga lokal na nagsilbing guide ng mga turista at nakakita sa sitwasyon ng bulkan.

Pinalikas agad ang mga mamamayan at lahat ng turista sa lugar.

Matatandaang ayon sa PHIVOLCS, mabilis ang naging aktibidad ng bulkan na umabot sa alert level 4 sa loob lamang na maikling oras.

Samantala, ilang residente na sakay ng jeep naman sa Batangas ang naaksidente habang lumilikas, na naibalita na ng KAMI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, sinabi ng PHIVOLCS na posibleng magkaroon ng volcanic tsunami kapag itinaas sa alert level 5 ang Taal Volcano.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel