Suppliers na nagtaas ng presyo sa face masks, mananagot kay Yorme

Suppliers na nagtaas ng presyo sa face masks, mananagot kay Yorme

- Hindi pinalagpas ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga naiulat na pananamantala ng ilang medical suppliers

- Mabilis kasing nag-viral na mayroong ilang nagtinda ng mahal na face masks na umabot umano sa P200 kada isa

- Ayon sa Manila Public Information Office, posibleng matanggalan ng permits ang mga ito sakaling mapatunayang nanamantala nga ang mga ito sa sitwasyon

- Maging ang vice mayor ng Maynila na si Honey Lacuna-Pangan ay nagbabala rin sa mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi pinalagpas ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang mga naiulat na pananamantala ng ilang medical suppliers.

Mabilis kasing nag-viral na mayroong ilang nagtinda ng mahal na face masks na umabot umano sa P200 kada isa mula sa P25-30.

Ayon sa Manila Public Information Office, posibleng matanggalan ng permits ang mga ito sakaling mapatunayang nanamantala nga ang mga ito sa sitwasyon ng mga kababayan nating apektado ng sakuna dahil sa pag-aalboroto ng Taal Volcano.

Nauna nang nagbigay ng babala ang bise ni Yorme na si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan sa mga mapagsamantalang negosyante.

Inutusan ni Vice Mayor Lacuna ang Manila Bureau of Permits at Manila Licenses Office na inspeksyunin ang mga tindahang nagbebenta ng mahal na face masks, ayon sa ulat ng Definitely Pinoy.

Isa ang face masks sa mga pangunahing pananggalang laban sa abo mula sa bulkan na maaaring makaapekto sa kalusugan.

Sa isang report naman ng KAMI, isang lalaki ang nagpamigay ng libreng face masks sa mga kapwa-mamamayan ang umani ng papuri.

Isa lamang ito sa mga good Samaritans na naispatan ng ilang netizens sa gitna ng sakuna.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kabi-kabilang ulat na ang lumabas kaugnay sa aktibidad ng Taal Volcano at libo-libo na rin ang inilikas sa kanilang tahanan.

Marami sa kanila, hirap at nangangamba pa rin dahil ayon sa mga awtoridad wala pang kasiguruhan kung hanggang kailan ang pag-aalboroto ng bulkan.

Ang iba sa kanila, napilitang iwan ang kanilang mga kabuhayan.

Ngunit sa kabila ng paghihirap na ito, isa pang sakuna ang maaaring maganap. Ayon sa PHIVOLCS, posibleng magkaroon ng volcanic tsunami kung tataas pa sa alert level 5 ang Taal Volcano, na una nang naiulat ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel