Mga estudyante ng Makati, nagamit na ang libreng N95 masks na bigay ng LGU

Mga estudyante ng Makati, nagamit na ang libreng N95 masks na bigay ng LGU

- Sa panahon ng sakuna, nagamit na nga ng mga estudyante ng Makati ang N95 respiratory mask na binahagi sa kanilang Local Government Unit

- Ito ay kasama sa Emergengency Go-bags na kasama sa mga libreng binahagi sa mga estudyante

- Laking pasasalamat ng mga estudyante at magulang sa mga natanggap na emergency kits na kalakip ang N95 face masks lalo pa at nagkakaubusan na sa mga drugstores at iba pang bilihan nito

- Nakaranas din kasi ang lungsod ng ash fall simula nang nag-alboroto ang bulkang Taal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing maswerte ang mga mag-aaral sa Makati dahil sa mayroon silang libreng N95 masks na matatagpuan sa kanilang Emergency Go-Bags.

Sa My Makati Facebook page, binahagi ang larawan ng ilang estudyante na nagpapasalamat at nagamit nila sa panahon ng sakuna ang N95 respiratory masks lalo at at nagkakaubusan na nito sa bansa.

Ang N95 mask ang mainam na gamitin upang di basta makalangahap ng abo o hanging dala ng ash fall.

Binahagi ang Emegergency Go-bags noon pang nakaraang taon 2019, at isa lamang ito sa mga proyekto na pinamigay sa pangunguna ng alkalde ng lungsod ng Makati na si Abby Binay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Linggo, Enero 12 nang nagsimulang magngalit ang bulkang Taal at patuloy na nagbubuga ito ng abo na nakarating maging sa Makati City.

Nakaranas ng ash fall ang lungsod tulad din ng ibang bahagi ng Metro Manila kaya naman laking pasalamat ng mga magulang na mayroon nagamit ang kanilang mga anak sa panahong ito.

Patuloy pa rin ang pag-aalboroto ng bulkang Taal at patindi rin ng patindi ang pinsalang naidudulot nito sa ilang bahagi ng bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel