Sa gitna ng sakuna, ilang good Samaritans ang nagpamalas ng kabutihan

Sa gitna ng sakuna, ilang good Samaritans ang nagpamalas ng kabutihan

- Sunod-sunod ang ulat ng aktibidad ng Taal Volcano na labis na nagpahirap sa mga residente sa mga lugar na apektado

- Libo-libo na ang inilikas mula sa mga ilang lugar na napilitan na lang iwan ang kanilang tahanan at mga kabuhayan

- Ang ilan sa mga kalsada, puno na rin ang abo na sinabayan pa ng ulan kaya mas pahirap pa sa mga mamamayan ang sitwasyon

- Pero sa kabila ng kalunos-lunos na sitwasyon, nangibabaw pa rin ang kabutihan ng maraming Pinoy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang sunod-sunod na ulat ng aktibidad ng Taal Volcano, labis na paghihirap naman ang kasunod nito sa mga residenteng apektado ng sakuna.

Libo-libo na ang inilikas mula sa mga ilang lugar na napilitan na lang iwan ang kanilang tahanan at mga kabuhayan.

Ang ilan sa kanila, hindi na napigilang maiyak sa kanilang sitwasyon.

Sa kabila naman ng kalunos-lunos na kalagayan ng mga biktima, nangibabaw pa rin ang kabutihan ng maraming Pinoy.

Sa larawang ini-repost ng Facebook page na Inquirer Libre, ibinahagi ng netizen na si Marj Jorie ang pagtulong ng kanyang asawa sa pamamagitan ng paglilinis sa mga dumadaang sasakyan na balot na ng abo at putik.

Sa FB post naman ng netizen na si Karmela Dasig Ramos, isang lalaki ang naispatan nito na nagbibigay ng libreng face mask sa mga mga mamamayan.

Habang isa namang kainan sa Bauan, Batangas ang nag-alok ng libreng pagkain para sa mga biktima ng sakuna.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bumuhos naman ang paghanga at papuri para sa kanila sa social media na nagpamalas ng kabutihan sa gitna ng isang hindi inaasahang sakuna.

Samantala, sa isang report ng KAMI, nagpaalala naman ang mga awtoridad kaugnay sa mga nararapat gawin sa gitna ng ash fall na maaaring makasama sa kalusugan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel