Phivolcs, naglabas na ng listahan ng mga barangay na posibleng maapektuhan ng volcanic tsunami

Phivolcs, naglabas na ng listahan ng mga barangay na posibleng maapektuhan ng volcanic tsunami

- Naglabas na ang Phivolcs ng listahan ng mga barangay na posibleng tamaan ng tsunami

- Ito ay dahil sa patuloy na pagngangalit ng bulkang Taal na nagdadala ng pinsala sa mga karatig lugar nito

- Bagaman at nakalikas ng maayos ang mga residente ng apektadong lugar, nakararanas pa rin sila ng matinding hirap sa ilang evacuation centers na apektado pa rin ng nakaambang pagsabog

- Dahil dito, nasa state of calamity na ang probinsya ng Batangas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bandang alas kwatro ng hapon ng Enero 13, sa kasagsagan ng pag-aalboroto ng Taal, naglabas na ng opisyal na listahan ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs ng listahan ng mga barangay na maaring tamaan ng tsunami.

Ito ay dahil sa walang humpay na ang pagngangalit ng bulkang Taal na di malayong umakyat na sa alert level 5 ang alert status nito.

Kung ito ay mangyayari, masasabing "hazardous" at "extremely dangerous" na raw ang sitwasyon kung saan may kaakibat na itong mas mapanganib na mga pangyayari tulad ng Tsunami.

Karamihan sa mga barangay ay mula sa Batangas na nagdeklara na ng state of calamity.

Kabilang din ang mga barangay sa Cavite partikular na sa Tagaytay.

Patuloy pa rin ang pagmomonitor ng Phivolcs sa aktibidad ng bulkan lalo pa at tumitindi na ang pinsala nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang listahan mula sa Phivolcs na binahagi rin ng Philippine Star:

Bukod sa inaasahang Tsunami, naglabas din ang Phivolcs ng warning para sa Volcano Base surge.

Ibayong pag-iingat pa rin ang paalala sa ating mga kababayang nakararanas ng epekto ng pagsabog ng Taal.

Maging alerto at patuloy na sumubaybay sa mga kaganapan ukol sa pagputok ng bulkang Taal.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel