'Mensahe' na nagsasabing posibleng mag-collapse ang MOA, nilinaw ng SM Mngmt

'Mensahe' na nagsasabing posibleng mag-collapse ang MOA, nilinaw ng SM Mngmt

- Nilinaw ng management ng SM Supermalls ang kumakalat na mensaheng nagsasabing posibleng mag-collapse ang MOA

- Sa dalawang official statement, sinabi ng SM na hindi ito totoo at sinigurong ligtas ang kanilang mga customers

- Base sa post na ibinahagi ng SM, sinabi sa 'mensahe' na nagpatawag diumano ang management ng meeting kaugnay ng nakaambang pag-collapse ng gusali

- Pero paglilinaw ng SM, hindi sila nagpatawag ng meeting sa kanilang mga engineers kaugnay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nilinaw ng management ng SM Supermalls ang tungkol sa kumakalat na mensahe na nagsasabing posibleng mag-collapse ang SM Mall of Asia.

Ayon sa mensahe na ibinahagi ng SM sa kanilang official statement: "Guys, avoid nyo din pumunta sa MOA. 1 of the Engineers is our family friend and pinatawag sila ng management dahil nasira na ang mga pondasyon sa ilalim causing the water from the bay to enter sa ilalim. Pumping system na lang yun tumutulak pabalik ng water sa bay. Pag nasira ang mga pumps pwedeng mag collapse ang moa."

Pero paglilinaw ng SM, walang katotohanan ang kumakalat na mensahe na ito na nagbigay na ng panic sa ilan.

Sa dalawang official statement na inilabas ng SM, sinabing sinisiguro nila ang kaligtasan ng kanilang mga customers.

Paglilinaw ng SM, hindi sila nagpatawag ng meeting sa kanilang mga engineers kaugnay nito

"There is no truth to the information circulating on Social Media that the foundation of the Mall of Asia Complex has been compromised. Moreover, Senior Management has not called for any meetings with Engineering on the said matter.

"The Mall of Asia Complex is on normal operations," ayon sa statement.

"The foundation of the SM Mall of Asia Complex is built on concrete piles that reach the bedrock and will withstand extreme situations. The statement where water will make the building collapse is patently false.

"We also have rigorous annual checks to ensure the safety of the buildings so at no time will the safety of our customers, tenants and employees be compromised."

Kumalat ang balitang ito kasunod ng pag-aalboroto ng Taal Volcano na patuloy na nananalanta sa ilang panig ng Pilipinas.

Sa isang ulat ng KAMI, sinabing PHIVOLCS na posibleng magkaroon ng volcanic tsunami kapag umabot na sa alert level 5 ang bulkan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel