Netizen, binahagi ang 2019 post ng Pinoy psychic na tumutugma raw sa nangyayari ngayon

Netizen, binahagi ang 2019 post ng Pinoy psychic na tumutugma raw sa nangyayari ngayon

- Viral ang post ng isang netizen na tila naniniwala raw sa Pinoy psychic na si Jay Costura na nagkaroon ng pangitain sa mga nangyayari ngayon sa bansa

- Nabanggit kasi ni Costura ang posibleng di magagandang pangyayari sa Surigao, Baguio, Batangas at Manila sa kanyang post noon pang Pebrero ng 2019

- Hulyo ng 2019 naman nang magkaroon din siya ng pangitain tungkol sa malakas na pagsabog na gugulantang sa katahimikan

- Madalas daw na sa panaginip ito nakikita ni Costura at hinihikayat niya ang karamihan na magdasal para sa kaligtasan ng bawat isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen na nagngangalang Arvie San ang nakapansin na tila nagkakatotoo raw ang mga pangitain ng kilalang Pinoy psychic na si Jay Costura.

Ayon kay Arvie, napansin niyang halos nagsabaysabay ngayong taon ang mga "napanaginipan" lamang ni Jay noon pang 2019.

Gaya na lamang ng post ni Jay ukol sa mga di magandang pangyayari sa mga lugar ng Surigao, Batangas, Baguio at Manila na makararanas daw ng pagyanig.

Nalaman ng KAMI na binahagi niya ang post na ito noong February 13 ng nakaraang taon.

Ang isa naman ay post ukol sa "pagsabog na gugulantang" daw sa taong bayan at babasag sa katahimikan.

Kinilabutan daw ang ilang netizens dahil sa tila tumutugma ito sa mga nagaganap na sakuna sa ating bansa kamakailan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa panaginip ni Jay nakikita ang tila ba'y mga premonisyon daw na ito sa kanya at sa tuwing ibinabahagi niya ang ang di magandang napapanaginipan, sinasamahan niya ito ng paalala na laging magdasal.

Madalas na ring maimbita si Jay sa mga palabas sa telebisyon tulad na lamang ng Kapuso mo Jessica Soho. Doon, nabanggit niyang di naman niya pinipilit ang mga taong maniwala sa kanya. Binabahagi lamang niya ito bilang babala.

Tila marami-rami naman ang netizens na naniniwala sa kanyang pangitain dahil sa karamihan nga sa mga ito ay maiuugnay sa mga naganap at nagaganap sa bansa.

Tulad ng laging paalala ni Jay, walang sinuman ang nakakaalam ng tunay na magnyayari sa kinabukasan kaya naman daanin na lamang daw sa dasal ang lahat.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel