Halos zero visibility na! Ilang bayan sa Batangas, nagmistulang disyerto sa kapal ng abo

Halos zero visibility na! Ilang bayan sa Batangas, nagmistulang disyerto sa kapal ng abo

- Nagmistulang disyerto na ang Bayan ng Agoncillo at Talisay sa Batangas dahil sa tindi ng ash fall sa lugar

- Hirap makakita sa daanan sa kapal ng alikabok na umabot na sa limang dangkal ang kapal

- Kaya naman kung may dumaraan na sasakyan, mas lalong kumakalat ang alikabok dahilan para maging "zero visibility" sa kalsada

- Hirap na rin ang mga residenteng apektado roon dahil kahit nasa evacuation center na sila, kinukulang naman daw sila ng makakain at maiinom lalo pa at sarado ang ilan sa mga pamilihang malapit sa kanila

- Dumagdag pa ang lindol na nararanasan nila maya't maya bunsod ng pagsabog ng Bulkang Taal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagmistulang "ghost town" na raw ang ilang bayan sa Batangas tulad na lamang ng Agoncillo na nasa harap lamang ng Taal.

Sa ulat ni Dennis Datu, inilarawan niya ang sitwasyon sa Agoncillo na talaga namang kalunos-lunos.

Wala nang kulay ang paligid na halos di na rin nila makita sa kapal ng alikabok na umabot na sa limang dangkal ang kapal.

Kung mayroon daw na daraang motorista, lalong nabubulabog ang alikabok at ito'y kumakalat, dahilan para maging xero visibility na rin sa mga kalsada.

Problemado rin ang mga residenteng apektado ng pagsabog ng Taal dahil kahit na sila ay maagang nakalikas, kinukulang daw ang ilan sa kanila ng mga pagkain at inumin. Sarado raw kasi ang ilang pamilihan sa lugar kaya naman nakararanas sila ng kakapusan.

Bukod dito, madalas din silang makaramdam ng pagyanig bunsod ng pagputok ng bulkang Taal.

Kasalukuyang nakataas pa rin sa alert level 4 ang Taal at kung ito raw ay tumaas pa ng alert level 5, asahang may mas matitinding epekto ito tulad ng Tsunami.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel