Volcanic tsunami, binabantayan sakaling itaas sa alert level 5 ang Taal volcano

Volcanic tsunami, binabantayan sakaling itaas sa alert level 5 ang Taal volcano

- Posibleng magkaroon ng volcanic tsunami sakaling itaas sa alert level 5 ang Taal volcano

- Kasalukuyan ay nasa alert level 4 pa lamang ito base sa PHIVOLCS

- Iminungkahi rin ng ahensiya ang agarang paglikas sa mga residenteng malapit sa bulkan

- Libo-libong pasahero naman ang stranded matapos isuspinde ng mga awtoridad ang ilang flights sa bansa

- Kanselado na rin ang mga klase sa ilang bayan sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Posibleng magkaroon ng volcanic tsunami sakaling itaas sa alert level 5 ang Taal volcano ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nito lamang Lunes.

“Yung volcanic tsunami po, pwede po natin iexpect sa panahon na mag-intesify pa po lalo ‘yung pinapakita ng Taal ngayon sa alert level 5,” ayon kay PHIVOLCS Supervising Science Research Specialist Winchelle Sevilla, batay sa ulat ng Inquirer.

Kasalukuyan ay nasa alert level 4 na ito base sa PHIVOLCS.

Dahil dito, iminungkahi rin ni Sevilla ang agarang paglikas sa mga residenteng malapit sa bulkan.

“Kung may mga kababayan po tayong nasa lakeshore area, posible po sigurong i-evacuate po muna natin. Kasi posible pong magkaroon ng volcanic tsunami kung sakali pong mag-intesify yung aktibidad (ng Taal),” ayon dito.

Samantala, libo-libong pasahero naman ang stranded matapos isuspinde ng mga awtoridad ang ilang flights sa bansa.

Nagkaroon ng "magmatic eruption" ang Taal nitong Lunes ng umaga at "weak" lava fountain mula 2:49am hanggang 4:28am.

Nauna nang nakansela ng klase sa ilang bayan sa bansa kasunod ng pag-alburuto ng Taal Volcano at pagkakaroon ng ash falls.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng KAMI, tinatayang 21 katao na lumilikas ang naaksidente sa Batangas habang sakay ng jeep.

Samantala, kasunod ng Taal Volcano, itinaas naman ng PHIVOLCS sa alert level 2 ang Mayon Volcano na una nang naiulat ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel