Sa iba't ibang bahagi pa ng daigdig! Bulkan sa Mexico City, nag-aalburuto na rin

Sa iba't ibang bahagi pa ng daigdig! Bulkan sa Mexico City, nag-aalburuto na rin

- Maging ang aktibong bulkan sa Mexico City ay nag-aalburuto na rin

- Naaktuhan pa sa video ang pagbuga nito ng Lava na nagsimulang magparamadam noon pang Huwebes, Enero 9

- Naglabas din ng ulat ang Volcano Discovery tungkol sa mga bulkang kasalukuyang nangangalit at isa na rito ang Bulkang Taal ng Pilipinas

- Ibayong pag-iingat ang laging paalala sa mga mamamayan lalo na sa mga apektado ng pagsabog ng Bulkan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maging ang Popocatepetl volcano ng Mexico City ay nagpakawala na ring ng Lava na kitang-kita sa sa video na nakuha sa aktwal na pagsabog nito.

Ayon sa Inquirer.net, nagsimula rin daw itong magpakawala ng usok at abo nung Huwebes, Enero 9 tulad din ng naganap sa Taal kahapon, Enero 12.

Ngunit sa video na binahagi ng Webcams Mexico, akikita ang tinatayang 20,000 feet na pagbuga ng bulkang "Popo" ng lava.

Ang masaklap, maging sa iba't ibang bahagi ng daigdig ay kasalukuyang ding niyayanig ng pagsabog ng bulkan.

Ayon sa volcanodiscovery.com, bukod sa Taal ng Pilipinas at Popocatepetl ng Mexico, nag-aalburuto rin ang mga Bulkang Aso at Sakurajima ng Japan, Pacaya sa Guatemala, Reventador sa Ecuador at Sabancaya ng Peru.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, patuloy pa rin ang pagmomonitor ng Phivolcs sa mga aktibidad ng Bulkang Taal lalo na at nasa alert level na ang alert status nito.

Kapag pumanhik na ito sa alert level 5, inaasahan na raw ang pagkakaroon ng tsunami na di malayong mangyari dahil napapaligiran ang bulkan ng lawa ng Taal.

Ibayong pag-iingat ang laging paalala ngayon sa bawat isa lalo pa at maraming sakit ang maaring idulot ng pagsabog ng bulkan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel