Jeanelyn Villavende, ginahasa rin bago pinatay ayon sa autopsy ng NBI

Jeanelyn Villavende, ginahasa rin bago pinatay ayon sa autopsy ng NBI

- Lumabas sa isinagawang autopsy ng NBI na ginahasa rin ang napaslang na OFW na si Jeanelyn Villavende

- Mayroon ding indikasyon na posibleng dati na itong minamaltrato bago pa man namatay noong Disyembre

- Kinundena naman ng ilang opisyal ang ipinadalang autopsy ng Kuwaiti governement

- Imumungkahi raw ni Labor Secretary ang pagkakaroon ng "total deployment ban" sa Kuwait dahil sa "sinungaling" na autopsy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Lumabas sa isinagawang autopsy ng National Bureau of Investigation (NBI) sa katawan ng pinaslang na OFW na si Jeanelyn Villavende na ginahasa rin ito bago pinatay.

Ayon pa kay Justice Secretary Menardo Guevarra, posible ring dati nang minamaltrato si Villavende bago ito nasawi noong Disyembre 2019.

“There were clear indications of sexual abuse. There were also old healed wounds indicating that Villavende had been battered weeks prior to the fateful incident,” ani Guevarra batay sa ulat ng Inquirer.

Ang nasabing autopsy ay ginawa ni NBI medicolegal chief Ricardo Rodaje noong Enero 10.

Una nang naiulat ng KAMI, nang kondenahin ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang autopsy report na ipinadala ng Kuwaiti government sa katawan ni Villavende.

"I wrote to NBI (National Bureau of Investigation) to conduct our own autopsy, and I found out na 'yong autopsy report ng Kuwaiti government ay palpak, sinungaling at walang kwenta," ayon kay Bello matapos puntahan ang lamay ni Villavende.

Dahil dito, imumungkahi raw ni Bello ang pagkakaroon ng "total deployment ban" sa Kuwait.

"Wala na tayong ipadadala doon. Mga walang kuwenta 'yang mga Kuwaiti na 'yan. Biro mo 'yong ginawa nila sa ating kababayan. 'Pag ikuwento ko sa inyo, baka pati [kayo] magwewelga na. Masyado nilang inapi ang ating kababayan," anito.

"We will not allow injustice done to our OFW. We will see to it that the culprits will answer for their crimes," dagdag pa ni Bello.

Maging si Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Rep. Raymond Mendoza, kinundena rin ang sinapit ng OFW maging ang autopsy report na galing sa Kuwait na tila pinagtatakpan umano ang nangyari sa ating kababayan.

“We strongly condemn this . . . fake autopsy report submitted by the Kuwaiti [authorities] to the Philippine government,” anito.

Tinawag nito ang autopsy mula sa Kuwait na: “a willful dishonest attempt of the Kuwaiti government to cover up the heinous crime”.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel