Ilang residente sa Batangas na sakay ng jeep habang lumilikas, naaksidente

Ilang residente sa Batangas na sakay ng jeep habang lumilikas, naaksidente

- Tinatayang nasa mahigit 20 katao ang naaksidente habang lumilikas sa Barangay Barigon sa bayan ng Agoncillo sa Batangas

- Ayon sa mga lumabas na ulat, hinihinalang mga mangingisda ang karamihan sa mga biktima

- Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pagkalap ng impormasyon kaugnay ng insidente

- Nahirapan umano ang mga awtoridad na puntahan ang mga ito noong gabi ng aksidente dahil sa madilim at maputik ang lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tinatayang nasa mahigit 20 katao ang naaksidente habang lumilikas sa Barangay Barigon sa bayan ng Agoncillo sa Batangas nito lamang Linggo ng gabi, Enero 12.

Base sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Mayor Wilson Maralit ng Balete, Batangas, hinihinalang mga mangingisda at nagta-trabaho sa iba't ibang palaisdaan ang mga biktima.

Karamihan sa mga sakay ng jeep ay residente ng Balete.

Ayon pa sa ulat, nahirapan ang mga awtoridad na hanapin ang mga biktima dahil madilim at maputik sa lugar na pinangyarihan ng aksidente.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang kalagayan ng mga naaksidente. Hindi pa tiyak ang lagay ng mga ito.

Inaasahan naman na ipagpapatuloy ang paghahanap sa mga biktima ngayong Lunes ng umaga.

Patuloy din daw ang imbestigasyon sa pangyayari.

Sa kasalukuyan ay nakataas na sa alert level 4 ang Taal Volcano.

Sa isang ulat ng KAMI, isang video ang nakuhanan ng isang netizen sa nakakakilabot na lagay ng bulkan.

Marami na ring mamamayan ang inilikas dahil sa nakaambang panganib dahil dito.

Sa social media, ilang larawan din ang ibinahagi ng mga netizens kaugnay sa patuloy na pag-aalburuto nito.

Paalala naman ng mga doktor, gumamit ng face mask at kung maaari ay huwag na munang lumabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan.

Kanselado na rin ang mga klase sa ilang lugar sa bansa, na una nang naibalita ng KAMI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel