Iba din! Angelica Panganiban, walang kemeng nakipag-duet kay Sharon Cuneta

Iba din! Angelica Panganiban, walang kemeng nakipag-duet kay Sharon Cuneta

- Masayang nakipag-duet si Angelica Panganiban sa batikang mang-aawit na si Sharon Cuneta

- Ibinahagi ng Megastar ang video kung saan nakipagsabayan si Angge sa kanyang pag-awit ng “Got To Believe”

- Makikita din sina Angel Locsin at Ogie Alcasid sa nasabing video na natatawa din sa aktres

- Kamakailan naman ay naging usap-usapan ang mga posts ni Sharon sa social media hinggil sa anak niyang si KC Concepcion

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naaliw sa pakikipag-duet ni Angelica Panganiban sa Megastar na si Sharon Cuneta. Kasunod ito ng sunod-sunod na social media posts ni Shawee tungkol sa anak na si KC Concepcion.

Kuha ang video ng duet nila sa backstage sa naganap na 2019 ABS-CBN Christmas special sa Araneta Coliseum.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naunang kumanta si Sharon na walang kemeng sinabayan ni Angelica Panganiban ang kanyang Got To Believe na pinasikat ni David Pomeranz.

Makikitang tawang-tawa si Sharon kay Angelica na kilala sa kanyang pagpapatawa gamit ang kanyang singing voice.

Humirit pa si Angelica na wala daw sa tono si Ate Shawie.

“Isa sa pinakanagpasaya sa akin sa backstage sa taping ng ABS-CBN Christmas Special taping! Tawang-tawa kami ni Ogie at ni Angel Locsin sa kanya! Amishu Angelica,” ani Sharon sa post.

Isa si Megastar sa mga Kapamilyang stars na nakisaya sa naganap na 2019 ABS-CBN Christmas special kasama ang iba pang celebrities.

Samantala, sa naunang ulat, naglabas ng saloobin si Sharon hinggil sa lumabas na balitang karelasyon ng anak niyang si KC Concepcion si apl.de.ap ng Black Eyed Peas.

Si Angelica Panganiban ay isang aktres sa telebisyon at pelikula. Nakilala sa siya sa kanyang husay sa pag-arte at pagpapatawa. Sa kanyang murang edad na anim na taong gulang, sumabak si Angelica sa pag-arte at naging bahagi ng youth-oriented show na Ang TV.

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang aktres at mang-aawit. Nakilala siya sa bansag na Megastar dahil sa matagumpay niyang career sa showbiz at music industry.

POPULAR: Read more about Sharon Cuneta here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel