Vico Sotto, inalmahan ang mga alegasyon laban sa kanya

Vico Sotto, inalmahan ang mga alegasyon laban sa kanya

- Inalmahan ni Vico Sotto ang mga alegasyong tumanggap siya ng kickback sa budget para sa giveaway calendars

- Ayon sa alkalde ng Pasig City, nakatipid ang kasalukuyang pamunuan sa pagpapagawa ng calendars

- Inihambing niya din ang nagastos nila sa kasalukuyan at sa nagdaang local administration

- Ilang posts sa social media ang nagdadawit kay Sotto sa diumano'y P36.7 million budget para sa giveaway calendars

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inalmahan ni Pasig Mayor Vico Sotto ang mga paratang sa kanya na gumastos diumano sila ng P36.7 million para lamang sa pagpapagawa ng giveaway calendars. Paliwanag ni Sotto, sa katunayan ay nakatipid ang kanyang administrasyon ng milyon-milyon.

Ilang social media posts ang nagdadawit sa pangalan ng mayor sa diumano'y kickback sa milyon-milyong pondo para diumano sa pagpapagawa ng kalendaryo.

Nilinaw ni Sotto na nakatipid ng higit sa 9 na milyon ang kanyang administrasyon matapos nilang gumastos ng P4.9 million para sa printing ng calendars.

Ibinunyag niya din ang ginastos ng dating administrasyon sa pagpapagawa ng kalendaryo na umabot diumano ng P14.5 million.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sa mga gumagastos pa rin ng milyon-milyon para lang siraan ang bagong administrasyon ng Pasig... sige lang, para mabawasan naman ang yaman niyo," aniya sa kanyang Facebook post.

"Sa mga bayad nilang trolls, naiintidihan ko kayo, baka kailangan niyo lang ng trabaho. Pero sana mapag-isipan niyo nang mabuti, gusto niyo ba talagang maging instrumento ng kasinungalingang nakakasama sa ating lipunan?" dagdag pa niya.

Si Vico Sotto ay nakilala bilang anak ng TV host na si Vic Sotto at batikang aktres na si Coney Reyes.

Sa naunang ulat, ibinahagi ni Mayor Vico ang tungkol sa donasyon ng Pasig City para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel