Customer, inakusahan ang McDo ng "pagsalok" ng kanyang juice mula mismo sa timba

Customer, inakusahan ang McDo ng "pagsalok" ng kanyang juice mula mismo sa timba

- Binahagi ng isang customer ang kanyang nasaksihan nang mag-order siya ng pineapple juice sa isang branch ng Mc Donald's

- Reklamo ng customer, diretsong sinalok ang order niyang juice mula sa timbang timplahan nito

- Sana manlang daw ay inilagay muna ito sa juice dispenser at hindi sinalok lang mula sa timba

- Sinabi rin mismong ng humarap na manager na may mali nga raw sa kanilang ginawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gumawa ng ingay online ang video ng a kuha ng isang customer na nirereklamo ang ginawa ng isang crew ng Mc Donald's sa kanyang order na pineapple juice.

Binahagi ng Pinoy Pop culture ang video kung saan mataas na ang boses ng customer na kinokomprtonta na ang manager ng branch.

Reklamo ng customer, basta na lamang sinalok diretso mula sa timbang tiplahan nito ang order niyang juice.

Sana manlang daw ay isinalin muna ito sa dispenser bago ilagay sa cup.

Aminado ang manager ng brance na mayroong mali sa pagsasalok ng juice ngunit mapapansing ito naman talaga ang timplahan nito at may nakasulat pa sa timba nitong "P J" o pineappleb juice.

Gayunpaman, naalarma raw ang netizen sa nakita. Karamihan sa kanila'y nagsasabing tama lamang na inireklamo ng customer ang ginawa raw ng crew upang maipagbigay alam na may mata rin ang mga cutomer na nagmamanhid.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Tama ang customer. This is to avoid contamination..Every crew should have Food Safe seminar...Mcdonalds Canada is very cautious lalo na sa food safe..."
"Dugyot. But anyway all eateries big or small, first class or standard. We dont know what they are doing behind close door. I dont eat out outside as much as possible. Or if there is imperfect with my food I dont ask for replacement because Im thinking that they might spit on my food before they serve. So its up to you. That is only my own thinking and imagination."
"May point din ung nag video .. ang requirements ng HACCP is . All foods should be stored at least 6 inches from the floor to avoid cross contamination.. and sa walk in chiller yan dapat nka store hindi sa lapag na may takip na tray"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel