Isa, kumpirmadong nasawi dahil sa "mysterious pneumonia"

Isa, kumpirmadong nasawi dahil sa "mysterious pneumonia"

- Kinumpirma ng China na mayroon nang isang kaso ng pagkamatay dahil sa misteryosong pneumonina-like virus

- Habang pito pa sa mga naiulat na biktima ang nananatili sa kritikal na kondisyon pero mayroon na raw dalawa ang na-discharge na

- Sa mga nauna nang report, nagkaroon na ng alarma sa marami na baka matulad din ito sa SARS na pumatay din sa maraming biktima ilang taon na ang nakakaraan

- Base naman sa report ng local news, patuloy pa rin na pinag-aaralan ng mga scientists ng China ang virus at nagkaroon na ng "preliminary determination" na isa itong "unknown type" ng coronavirus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinumpirma ng China na mayroon nang isang kaso ng pagkamatay dahil sa misteryosong pneumonina-like virus, ayon sa ulat ng PhilStar.

Una nang naulat na mayroong 41 katao sa Wuhan ang nagkaroon ng amg sintomas na parang sa pneumonia.

Una nang naiulat ng KAMI na napag-alamang nagsimula umano ang virus na ito sa isang palengke sa Wuhan.

Samantala, pito pa sa mga biktima ang nasa kritikal na kondisyon ayon sa health commission ng syudad, pero mayroon na ring dalawa ang na-discharge.

Sa mga nauna nang report, nagkaroon na ng alarma sa marami na baka matulad din ito sa Sudden Acute Respiratory Syndrome (SARS) na pumatay din sa maraming biktima ilang taon na ang nakakaraan.

Base naman sa report ng local news, patuloy pa rin na pinag-aaralan ng mga scientists ng China ang virus at nagkaroon na ng "preliminary determination" na isa itong "unknown type" ng coronavirus.

Dati nang sinabi ng World Health Organization (WHO) na ang coronavirus ay isang malaking pamilya ng pathogens tulad ng SARS at Middle East Respiratory Syndrome (MERS).

Ganunpaman, ayon sa report ng health commission ng Wuhan, wala na umanong naiulat na kaso mula noong Enero 3, 2020.

"No new cases have been detected since January 3, 2020," ayon sa pahayag nito. "At present, no infections among medical staff have been found, and no clear evidence of human-to-human transmission has been found."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel