May mahigit 1M views na! Raffy Tulfo, napasabak din sa Tala challenge

May mahigit 1M views na! Raffy Tulfo, napasabak din sa Tala challenge

- Di nakawala si Raffy Tulfo sa Tala dance challenge

- Mapapanood sa video na nakikipagkulitan si Tulfo sa kanyang mga staff na game na game ding kumasa sa naturang dance challenge

- Nang makantsawan, bahagyang napasayaw din ang kanilang Idol Raffy sa sikat na sayaw ngayon

- Natuwa ang mga netizens dahil nakita rin daw nila dito kung paano makibiruan ang kanilang idol sa mga staff nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuwang-tuwa ang mga fans ni Raffy Tulfo nang kumasa ang kanyang idol sa nauusong "Tala dance challenge"

Sa video ng Raffy Tulfo in Action, makikita na tila "chillax" lamang ang host kasama ng kanyang staff.

Nakuha pa nitong makipagbiruan at makipagkwentuhan sa mga ito tungkol sa kanilang mga "happy times" tuwing may pagkakataon silang lumabas matapos ang trabaho.

Game na game sa kulitan ang staff ng kanilang idol Raffy nang biglang magkahamunan sila na sayawin ang "Tala" ni Sarah Geronimo na patok na patok na dance craze ngayon.

Nadala sa kantsaw si Tulfo at bahagyang nakisayaw sa dalawa sa kanyang staff.

Dahil dito, mabilis na nag-viral ang video na umabot na sa 1 milyong views.

Naaliw ang netizens dahil nakita rin nila ang kabutihan ng kanilang idolo maging sa kanyang staff.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Napaka swerteng mga empleyado may napaka baet n Boss God bless Idol raffy."
"Yung parang tropa nyo lang yung boss nyo"
"Ang gagaling nila sumayaw ng TALA, lalo na si Idol Raffy...moreeeee please"
"Sana all maging staff ni idol raffy"
"Parang ang sarap maging boss ni Idol Raffy, cool!"

Matatandaang nito lamang bago magtapos ang taong 2019 nagsilabasan ang mga video ng kumasa sa Ta;a dance challenge na binigyang buhay ng viral video ng "Volleybeks" na ayaw nang paglaruin sa court malapit kina Aling Nelia.

Imbis kasi na manlaban ang mga beki, sinayawan na lamang nila si Aling Nelia ng "Tala" ni Sarah G na una palang inilabas noon pang 2016.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel