Transport agency, itinangging ipinag-utos ang weight policy sa Angkas

Transport agency, itinangging ipinag-utos ang weight policy sa Angkas

- Itinanggi ng technical working group (TWG) ng Transport Department ang tungkol diumano sa pag-utos nito ng weight policy sa Angkas

- Ito ay matapos lumabas ang “weight safety check” na feature sa Angkas application

- Nakasaad din sa nasabing feature na ito ay government requirement

- Nilinaw ng consultant ng TWG na dapat lamang mapanatili ng Angkas na ligtas ang kanilang mga pasahero

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilinaw ng technical working group (TWG) ng Transport Department na hindi nila pinag-utos ang weight policy feature ng Angkas.

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang nasabing feature ng angkas lalo at may mga umaalmang mga pasahero.

kamakailan lamang, lumabas ang “weight safety check” feature sa Angkas App na ayon sa kanila ay government requirement.

Sa isang panayam sa radio station na DZMM nilinaw ni Alberto Suansing, consultant ng TWG na hindi nila pinag-utos ang ganoong regulasyon.

“During our discussion with them, what we said was that they should be able to carry passengers safely. Now, it’s up to them… We didn’t say it like that,” ani Suansing.

“The matter about the passenger’s weight, we didn’t tell them not to accept heavy passengers. What we emphasized is they should be able to carry the passenger safely," dagdag pa niya.

Samantala sa naunang ulat, ibinahagi ng reporter ng GMA network ang dinanas na panlalait mula sa rider ng Angkas matapos nitong gumawa ng report tungkol dito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel