Makapal na usok ng Taal, nagmistulang background ng kasalan sa Tagaytay

Makapal na usok ng Taal, nagmistulang background ng kasalan sa Tagaytay

- Tuloy pa rin ang isang outdoor wedding sa Tagaytay sa kabila ng pagsabog ng bulkang Taal

- Nagmistulang background effect ito ng picture ng bagong kasal kung saan kapansin-pansin ang makapal na usok

- Masasabing mapalad pa rin ang dalawang ito dahil natapos ang kanilang seremonya bago pa tuluyang itaas sa alert level 4 ang alert status ng pagsabog

- Maging sa Metro Manila ay nagsuspinde na rin ng klase dahil sa nararanasang epekto ng pagsabog ng bulkan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang kasalan sa Tagaytay na itinuloy sa kabila ng nakakikilabot na pagsabog ng bulkang Taal.

Sa mga larawang binahagi ni Peewee Torres sa ABS-CBN, kapansin-pansin ang makapal na usok sa kalangitan habang ginaganap ang kasalan

Nalaman ng KAMI na outdoor pa naman ang kasalan kaya naman nagmistulang background ito maging sa mga wedding pictures ng bagong kasal.

Masasabing maswerte pa raw ang mga ito na maayos na natapos ang seremonya ng kanilang pag-iisang dibdib bago pa man i-anunsyo ng Phivolcs na nasa alert level 4 na pala ang alert status ng pagputok ng bulkang Taal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nangangahulugan lamang nito na patuloy na ang may magmatic intrusion nang nagaganap kumpara kaninang umaga na panay abo pa lamang.

Dahil dito, maging sa Metro Manila ay nagsususpinde na rin ng klase ang ilang lungsod dahil sa epekto ng pagsabog ng bulkang Taal.

Samantala, nakaramdam na tin ng paglindol sa Agoncillo, Batangas dahil sa lumalalang pag-aalburuto ng Taal.

Pinapaalalahanan ang publiko na nakararanas na ng ashfall na mangyaring manatili na lamang sa kani-kanilang mga tahanan upang makaiwas sa anumang sakuna na dala nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel