Nakakikilabot na pagsabog ng Bulkang Taal na may kasabay na pagkidlat, sapul sa video

Nakakikilabot na pagsabog ng Bulkang Taal na may kasabay na pagkidlat, sapul sa video

- Nakunan ng video ang pag-aalburuto ng Bulkang Taal na sinabayan pa ng pagguhit ng mga kidlat

- Nakadagdag pa raw umano ito ng takot sa mga residente malapit sa bulkan

- Nakararanas na rin ng ashfall maging ang mga taga-Cavite na nagbahagi ng mga larawan ng motoristang puro abo na ang kotse dala ng pagsabog

- Nakataas na sa alert level 3 sa isla at napalikas na nila ang mga residente lalo na sa Agoncillo, Batangas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang video ng nakakikilabot na pagsabog ng Bulkang Taal ngayong Linggo, Enero 12.

Bukod kasi sa pagbubuga nito ng makakapal na usok at abo, sinabayan pa ito ng kidlat.

Kitang-kita sa video na binahagi ni Gevie Egerasa Philippine Star ang pagguhit ng kidlat habang patuloy na nangangait ang Taal.

Nakataas na sa alert level 3 ang isla na itinuring nang Permanent Danger Zone at mahigpit nang ipinagbabawal ang magpunta rito.

Agad na ring pinalikas ang mga residente partikular sa Agoncillo, Batangas.

Nakahanda na rin ang Batangas provincial disaster management officials para sa anumang susunod na aktibidad ng bulkan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, maging sa mga karatig probinsya tulad nang Cavite ay nararamdaman na rin ang bagsik ng pagputok ng Taal.

Nagbahagi ang ilan nilang residente ng mga larawan ng marurumi nilang kotse dahil sa ashfall.

Ilang residente na rin ang tumutulong sa mga motorista na mabuhusan agad ng tubig ang mga sasakyan na dumaraan dahil sa putikan na ito dala ng ashfall.

Dahil dito, nagsuspinde na rin ng klase sa lahat ng antas sa Cavite, bukas Enero 13 ayon sa kanilang gobernador na si Jonvic Remulla.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel