Alert level 3 na! Bulkang Taal, nag-aalburuto; mga residente agad nang pinalilikas

Alert level 3 na! Bulkang Taal, nag-aalburuto; mga residente agad nang pinalilikas

- Ngayong araw, bandang 11 a.m. nagkaroon ng phreatic eruption o maliit na pagsabog ang bulkang Taal

- Mabilis na iniakyat na sa alert level 2 ang status dahil sa mas lalong paglakas ng pagbuga ng mga abo ngunit wala pa naman daw magma

- Subalit bandang 4 p.m., naglabas na ng opisyal na pahayag ang Phivolcs-DOST na itinaas na muli sa alert level 3 ang istado ng mga karatig lugar dahil sa paglala ng pag-aalburuto ng bulkan

- Pinalilikas na ang mga residente lalo na mula sa barangay Agoncillo sa Talisay, Batangas at itinuring na rin Permanent Danger Zone ang isla dahil sa iba pang maaring mangyaring kapahamakan sa pagputok ng bulkan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Patuloy ang pag-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs sa kasalukuyang aktibidad ng bulkang Taal.

Ayon sa kanilang opisyal na pahayag na binahagi sa kanilang Facebook page na Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), alert level 3 na ang alert status sa lugar partikular na sa Talisay at Agoncillo sa Batangas.

Bandang 11 a.m. ng Linggo, Enero 12 nang magsimulang maganap ang phreatic eruption o maliit na pagsabog ang bulkang Taal. Nagbubuga lamang daw ito ng abo na kaugnay ng hydrothermal activity.

Ngunit sa paglipas ng halos limang oras, mabilis na itinaas na sa alert level 3 ang status nito dahil sa walang humpay na pag-aalburuto nito.

Sa muling paglalabas ng Phivolcs ng update bandang 4 p.m., sinabing posible nang may magmatic intrusion nang nagaganap, dahilan upang anumang oras ay maari na itong sumabog.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito agad nang pinalilikas ang mga residente sa lugar at itinuring na rin na Permanent Danger Zone at mahigpit nang ipinagbabawal ang pagpunta rito.

Patuloy na magbibigay ng updates ang Phivolcs lalo pa at nakaramdam na ng ilang pag-lindol ang ilang barangay na nakapaligid dito.

Samantala, nakahanda na ang Batangas provincial disaster management officials para sa preemptive evacuation ng mga apektadong barangay.

Narito ang video ng aktwal na pagbubuga ng abo ng bulkan na binahagi ng Philippine Star:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica