Autopsy sa labi ni Jeanelyn Villavende sa Kuwait, palpak at sinungaling -Bello

Autopsy sa labi ni Jeanelyn Villavende sa Kuwait, palpak at sinungaling -Bello

- Palpak, sinungaling at walang kwenta inilarawan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang ipinadalang autopsy report sa labi ng pinaslang na OFW sa Kuwait

- Ayon kay Bello, kahina-hinala rin daw ang nakasaad sa "two-sentence report" mula sa Kuwait kung saan nakasaad na nasawi ang Pinay dahil sa "physical injuries"

- Base naman sa autopsy report ng NBI sa mga labi ng nasawing Pinay, may posibilidad din umano na maaaring ginahasa ito bago pinatay

- Kaya naman imumunglahi raw ni Bello ang pagkakaroon ng "total deployment ban" sa Kuwait

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Palpak, sinungaling at walang kwenta inilarawan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang ipinadalang autopsy report sa labi ng pinaslang na OFW ng Kuwait.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Bello na kahina-hinala raw ang kredibilidad ng mga Kuwaiti forensic doctors matapos ipadala ang isang "two-sentence report" sa autopsy sa katawan ni Jeanelyn Villavende kung saan nakasaad na ang ikinamatay nito ay "physical injuries."

"I wrote to NBI (National Bureau of Investigation) to conduct our own autopsy, and I found out na 'yong autopsy report ng Kuwaiti government ay palpak, sinungaling at walang kwenta," ayon kay Bello.

Ayon pa sa ulat, base sa ipinadalang autopsy report ni NBI medical officer Dr. Ricardo Rodaje, posibleng ginahasa pa umano si Villavende bago ito patayin.

Samantala, imumungkahi raw ni Bello sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na magkaroon ng "total deployment ban" sa Kuwait.

"Wala na tayong ipadadala doon. Mga walang kuwenta 'yang mga Kuwaiti na 'yan. Biro mo 'yong ginawa nila sa ating kababayan. 'Pag ikuwento ko sa inyo, baka pati [kayo] magwewelga na. Masyado nilang inapi ang ating kababayan," anito.

"We will not allow injustice done to our OFW. We will see to it that the culprits will answer for their crimes," dagdag pa ni Bello.

Una nang naiulat ng KAMI ang karumal-dumal na sinapit ni Villavende sa mga among Kuwaiti, na ayon sa DFA ay kasalukuyan nang hawak ng mga awtoridad.

Ayon pa sa mga kaanak ng biktima, Nobyembre pa nang i-report nila sa agency nito sa Pilipinas ang sitwasyon ng OFW matapos hindi na makontak pa ang dalaga.

Sa isang report ng KAMI, posibleng managot ang agency ni Villavende kapag napatunayang nagkaroon ng kapabayaan sa panig nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel