Matapos i-deny! Iran, umaming tinamaan ng missiles nito ang Ukraine plane

Matapos i-deny! Iran, umaming tinamaan ng missiles nito ang Ukraine plane

- Inamin na ng Iran na tinamaan nga ng kanilang missiles ang Ukraine plane na ikinasawi ng 176 na tao, kabilang na ang 130 Iranians

- Ito ay matapos ang ilang araw na pagtanggi ng Iran

- Inamin din ng Iran na inakala umano ng Iranian missile operator na isang enemy target ang Boeing 737

- Sa kabila ng kanilang pag-amin, isinisi naman ng Iran ang trahedya sa "US adventurism"

- Nagpahayag naman ng pakikiramay si Iranian President Hassan Rouhani sa mga naulila ng mga biktima at nangakong mananagot ang lahat ng responsable sa trahedya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang ilang araw na pagtanggi, inamin na ng Iran na tinamaan ng kanilang missiles ang Ukraine plane na ikinasawi ng 176 tao kabilang na ang 130 Iranians.

Sa isang ulat ng Daily Mail, sinabi ni Brigadier General Amirali Hajizadeh, na inakala ng Iranian missile operator na isang enemy target ang Boeing 737.

Matapos kasi ang ilang ballistic missile attacks laban sa US ay naka-alerto umano ang Iran mula sa mga posibleng pagganti ng Amerika.

Sa kabila nito, isinisisi pa rin ng Iran ang malagim na trahedya sa 'US adventurism'. Isang statement ang inilabas ng Foreign Minister ng Iran na si Javad Zarif.

"A sad day. Preliminary conclusions of internal investigation by Armed Forces: Human error at time of crisis caused by US adventurism led to disaster.

"Our profound regrets, apologies and condolences to our people, to the families of all victims, and to other affected nations," ayon kay Zarif.

Itinanggi rin ng Iran na sinubukan nilang pagtakpan ang pagkakamaling ito sa ilang araw nilang pagtanggi sa tunay na dahilan ng crash.

"The delay in releasing information was not aimed at hiding the issue but it is the routine drill that the General Staff should study the case (first); and all information was collected on Friday morning after studies and what had happened became clear then," ayon kay Hajizadeh.

Nagpahayag naman ng pakikiramay si Iranian President Hassan Rouhani sa mga naulila at naiwan ng mga biktima ng trahedya.

Nangako rin ito na mananagot ang mga taong responsable sa nangyaring trahedya.

"The Islamic Republic of Iran deeply regrets this disastrous mistake... My thoughts and prayers go to all the mourning families. I offer my sincerest condolences," ani Rouhani.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Una nang naiulat ng KAMI nang sabihin ng ilang opisyal ng US na posibleng tinamaan nga ng missiles ng Iran ang Ukranian plane sa kabila ng pagtanggi nito noong una.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel