Joshua Garcia, inaming na-miss ang ex-girlfriend na si Julia Barretto

Joshua Garcia, inaming na-miss ang ex-girlfriend na si Julia Barretto

- Inamin ni Joshua Garcia na na-miss niya ang kanyang dating kasintahang si Julia Barretto

- Sa kanilang presscon sa bago nilang pelikula ay ibinahagi ni Joshua ang kanyang saloobin tungkol sa pagkikita nilang muli ng kanyang ex

- Marami ang na-curious kung naging awkward ang kanilang muling pagkikita

- Matatandaang nagkahiwalay ang dalawa noong nakaraang taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inamin ni Joshua Garcia na na-miss niya ang dating nobyang si Julia Barretto. Sa ginanap na press conference para sa bago nilang pelikulang pinamagatang Block Z, ibinahagi ni Joshua ang kanyang saloobin sa muli nilang pagsasama ng dating kasintahan.

Ayon pa sa binata, ok naman sila ng aktres, "Noong nakita ko siya, parang na-miss ko din siya. Kasi siyempre ang tagal namin hindi nagkasama -- na-busy siya, na-busy ako," aniya sa isang panyam ng ABS-CBN news.

Matatandaang sa kasagsagan ng shooting ng pelikulang ito, lumabas ang balitang nagkahiwalay na sila. Kasunod ito ng pelikul;ang ginawa din ni Julia Barretto kasama ang aktor na si Gerald Anderson.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang "Block Z" ay nakatakdang mapanood ngayong January 29. Ito ay kwento tungkol sa mga estudyanteng na-trap sa loob ng paaralan. Ang kwento ay umiikot sa kanilang pagtakas mula sa zombies.

Si Joshua Garcia ay nakilala sa kanyang husay sa pag-arte. Una siyang nakilala sa mundo ng telebisyon nang sumali siya sa isang edisyon ng Pinoy Big Brother. Kinalaunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na gumawa ng pelikula at pumatok ang tambalan nila ni Julia Barretto na kilala sa bansag na JoshLia.

Lalong dumami ang kanilang tagasuporta nang aminin ng dalawa na magkarelasyon sila sa totoong buhay. Gayunpaman, hindi din tumagal ang kanilang relasyon ng aminin ni Julia na hiwalay na sila noong 2019.

POPULAR: Read more about Joshua Garcia here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel