Ogie Diaz, ibinahagi ang kanyang prangkang opinyon hinggil kasalang Sarah G at Matteo

Ogie Diaz, ibinahagi ang kanyang prangkang opinyon hinggil kasalang Sarah G at Matteo

- Ibinahagi ni Ogie Diaz ang kanyang opinyon hinggil sa kontrobersiyal na kasalang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

- Ayon kay Ogie, hindi naman dapat husgahan si Mommy Divine dahil lamang sa pagtutol niya sa kasal

- Nagbigay din ng mensahe si Ogie kay Mommy Divine at pati na rin sa mag-asawang Matteo at Sarah

- Matatandaang naging usap-usapan ang umano'y nangyaring gulo sa civil wedding ng magkasintahanna ginanap nitong February 20

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang YouTube video, ibinahagi ni Ogie Diaz ang kanyang opinyon hinggil sa kontobersiyal na kasalang Sarah-Matteo na diumano'y tinututulan ng ina ng popstar.

Hindi kaila sa publiko ang pagiging protective ni Mommy Divine sa anak pagdating sa pakikipagrelasyon. Gayunpaman, ayon kay Ogie, ito ang isa sa naging dahilan kung bakit nagkatuluyan si Sarah at Matteo.

Paliwanag niya, kung hindi dahil sa pagiging mahigpit ni Mommy D, malamang maaring iba ang nakatuluyan ni Sarah.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bilang magulang, naiintindihan ni Ogie ang damdamin ni Mommy Divine. Gayunpaman, ayon sa kanya, deserve naman ni Sarah na lumigaya lalo at nasa tamang edad na siya at naging mabuting anak naman ito sa kanila.

Ibinahagi din ni Ogie ang kanyang nabalitaang hinahati diumano ang sahod ni Sarah sa apat dahil apat silang magkakapatid. Gayunpaman, kung may katotohanan daw ito, naiintindihan niya raw si Mommy Divine na marahil ay gusto lamang niyang mabigyan din ang ibang kapatid ni Sarah kesa sa iba lang mapunta iyon.

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

POPULAR: Read more about Sarah Geronimo here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Carla Abellana is set to do drama series again. The Kapuso star revealed that she felt nervous with this comeback as she's been only doing romantic comedy series for the past three years! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel