Liza Soberano umapela sa Pangulong Duterte hinggil sa ABS-CBN franchise renewal

Liza Soberano umapela sa Pangulong Duterte hinggil sa ABS-CBN franchise renewal

- Isa sa mga artistang umapela sa Pangulong Rodrigo Duterte ay ang Kapamilya actress na si Liza Soberano

- Ito ay hinggil sa franchise renewal ng ABS-CBN na nanganganib na maudlot ngayong taon

- Nauna nang nagpahayag ang pangulo ng pagtutol sa pagrenew ng franchise ng isa sa higanteng TV network sa bansa

- Mag-eexpire ang franchise ng ABS-CBN ngayong March 30, 2020

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umapela din si Liza Soberano hinggil sa naganganib maudlot na franchise renewal ng ABS-CBN ngayong paparating na March 30, 2020.

Ayon sa kanya, naniniwala siyang mauunawaan ng pangulo na maraming empleyado ang maapektuhan kapag natigil ang operasyon nito.

“He is understanding, I believe,” Soberano said. “Alam niya namang maraming maaapektuhan… It’s not just the company itself, but all the employees. I’m sure he has a generous heart and an understanding heart.”

“I hope he wakes up one morning and he thinks about it again, and maging bukas ‘yung puso niya sa lahat ng smaller employees na nangangailangan ng trabaho,” ani Liza.

Sa press conference ng palabas nila ni Enrique Gil na pinamagatang “Make It With You," inilahad ni Liza ang kanyang saloobin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna nang inihayag ni Pangulong Duterte ang kanyang kagustuhang huwag payagang makapag-renew ang isa sa higanteng TV network sa bansa.

Isa sa mga dahilan ay ang pagtanggi diumano ng TV network na ipalabas ang kanyang political ad noong May 2016 elections.

Si Hope Elizabeth Soberano, o mas kilala bilang si Liza Soberano, ay pinanganak sa Santa Clara, California. Filipino ang ama ni Liza habang American naman ang kanyang ina.

Namataan si Liza ng isang talent scount noong siya ay 13 years old palang at pinakilala sa manager niya ngayon na si Ogie Diaz.

Mapapanood si Liza ngayon sa pinakabagong fantasy series ng ABS-CBN na ‘Bagani’ katambal ang kanyang love team na si Enrique Gil, ito ay unang umere sa telebisyon noong March 5.

Sa naunang ulat, ibinahagi ni Liza kung paano niya pinaglaban ang kasintahang si Enrique Gil.

POPULAR: Read more about Liza Soberano here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel