Ice drop vendor, may paupahang bahay, tindahan at computer shop dahil lang sa paglalako

Ice drop vendor, may paupahang bahay, tindahan at computer shop dahil lang sa paglalako

-Hinangaan ang ice drop vendor na nakapagpatayo na ng iba pang negosyo dahil lamang sa pagtitinda

-Mabenta raw kasi nag homemade ice drop niya sa mga bata

-Nakatira pa sila sa tapat ng isang elementary school kaya naman mas lalo pang dumami ang kanyang suki

-Sa loob ng tatlong dekada, marami nang napatunguhan ang pagbebenta lamang niya ng ice drop

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na kahanga-hanga ang ice drop vendor na si Emmanuel M. Jagmis na naging matagumpay sa kanyang negosyo.

Naka-inspire sa marami ang kanyang Facebook post kung saan binahagi niya ang kanyang mga naipundar sa pagtitinda lamang ng ice drop.

Sa loob ng halos tatlong dekada na paglalako, nakapagpatayo na siya ng paupahang bahay, tindahan at computer shop.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Masasabi niyang maswerte siyang nakatira sila tapat ng elementary school kaya mabentang-mabenta ang homemade ice drop sa mga estudyante roon.

Bukod sa mga negosyo, nabili na rin niya ang dating pinapangarap lamang niyang sasakyan.

Lahat nang ito ay nakamit niya sa simpleng negosyo na napatatakbo niya ng maayos.

Patunay lamang daw ito na walang imposible sa taong nasusumikap at pinaghihirapan ang kanyang pangarap.

Narito ang video ni Emmanuel na binahagi niya mismo sa kanyang Facebook page:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel