OFW sa HongKong, nagbigay ng tips paano siya nakapagpa-bahay sa loob lamang ng 2 taon

OFW sa HongKong, nagbigay ng tips paano siya nakapagpa-bahay sa loob lamang ng 2 taon

-Marami ang namangha sa isang OFW na nakapagpagawa ng bahay sa loob lamang ng dalawang taon

- Nagbahagi siya ng ilang tips paano niya ito nagawa sa kahit halos ilang taong pa lang sa ibang bansa

-Di pa man tapos, ngunit napakalaki na ng pinagbago ng bahay niya mula noon sa ngayon

-Masasabing maswerte raw ang OFW na ito na mabilis na naisasakatuparan ang kanyang mga pangarap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bumilib ang marami sa Overseas Filipino Worker na si Ginalyn Junkurt na agad na nakapagpatayo ng sarili niyang bahay.

Ayon sa binahagi niyang kwento sa Peso Sense Saver Group, dalawang taon lamang siyang naninilbihan bilang domestic helper sa HongKong.

Isa talaga sa mga rason kung bakit siya nangibang bansa ay ang bahay nila sa Tuguegarao city sa Cagayan.

Pinakita niya ang larawan nito na tagpi-tagpi na at talagang kapag umuulan ay nababasa sila sa loob.

Masasabing mapalad si Ginalyn na makatagpo ng mabait na amo.

Maayos siya nitong pinasasahod kaya maayos din siyang nakakapagpadala sa pamilya niya sa Pilipinas.

Ito rin ang sikreto niya kung bakit sa loob lamang ng dalawang taon, nakapagpatayo na siya ng bahay.

OFW sa HongKong, nagbigay ng tips paano siya nakapagpa-bahay sa loob lamang ng 2 taon

source: Ginalyn Junkurt
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Di pa man ito tapos, malaki naman na ang pinagbago nito.

Mula sa tagpi-tagping kahoy, sementado na ngayon ang haligi ng bahay.

Makikitang, malapit na itong matapos at makikita na agad ang bunga ng kanyang sakripisyo sa loob ng maiksing panahon.

Tamang paghawak ng pera at pag-iipon daw ang kanyang sikreto kung bakit maaga niyang natutupad ang kanyang mga pangarap para sa sarili at sa kanya na ring pamilya.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel